Chapter 1: Ang kwento ni lola
Ara Pineda
sampung taong gulang palang ako nun ng ikwento sakin ni lola ang misteryosong sitio ng samar,
ayon kay lola ang sitiong ito ay bahay ng mga engkanto, ngunit wala pang nakakapag patunay nito,
ayon rin sa kwento ni lola nung bata pa siya sa edad na labing anim kinuha siya ng isang engkantong nag ngangalang Ailfar, matangos ang ilong, walang hiwa sa ilalim patungo sa kanyang itaas na labi, magagandang maiitim na mata, mahabang tenga, at ang kanyang balat ay gaya ng isang porselana napaka puti na nagmumukhang nyebe, sa tangkad rin nitong aabot sa anim at kalahating talampakan,
umibig si lola kay Ailfar, sa panahong naka tira siya sa biringan, lumipas man ang taon sa biringan kasama ang mahal niya, nagka anak sila at yun daw ang aking tiya na si Shalila, napakaganda daw nito, ayun kay lola,
ng maisilang ang aking tiya Shalila, naghanap ng paraan si Ailfar upang maitakas ang kanyang mag ina sa sitio biringan,
ngunit isang di inaasahang pangyayari ang kanilang nadatnan, nakatakas si Lola kasama si Shalila ngunit si Ailfar ay napatay ng mga kapwa niya,
di na nag dalawang isip si lola at tumakas na, namuhay sila ni shalila sa manila, ngunit ng tumuntong si tiya shalila sa edad na sampu, bigla kinuha ng mga engkanto,
ayun kay lola, ang kalahi nila ay kailangan manatili sa biringan,
kahit gaano kaganda ang sitiong ito, mga building na malalaki, sariling paliparan, paaralan, kagaya ng isang normal sa city, hinding hindi makakatakas ang lahat ng pag aari nito,
ng akoy tumuntong ng ikalambing anim na taon, ikwenento ulit sakin ni lola ang kanyang naranasan sa lugar ng biringan, kahit nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak na si shalila, di parin niya maiwasang ikwento sakin kung gaano ka ganda ang lugar na iyon,
sa edad na 20 bumyahe si lola pabalik sa samar sa edad na 81 gusto niya, bago siya mamatay, gusto niyang mailagi ang kanyang bangkay sa samar, kung san nagpatayo siya ng bahay katabi ng isang talampas,
walang puno na nasa loob ng patag na iyon,
maraming bulaklak na di ko kilala ang tumutubo,
maraming paro parong nagliliparan,
at kung gabi namay nag iilaw ang patag na ito dahil sa mga alitaptap na naglalaro,na alala ko nun, sabi ni lola kung kayat walang puno sa loob ng patag ay dahil dun nakatayo ang buong biringan, napakalapad ng parang na ito,
at ang mga paro parong naglalaro sa umaga ay ang mga diwatang naglilibang, at sa gabi namay, ang mga alitaptap na nagpapahiwatig na may kasiyahan,
ang lugar na yun ay napaka bango, mga bulaklak na di namamatay, ang mga punong nakapalibot sa patag na ito ay napaka malalago,
mga halamang napakaganda ang tubo, ngunit sa pagsapit ng araw ng mga patay, biglang lalabas ang sitio biringan upang manguha ng mga babaeng, nasa edad na 25 pataas,
sabi pa nun ni lola bawat babaeng kinukuha nila ay ipinapakasal sa isang engkanto, upang mamuhay dun, ako may nangingilabot ngunit ito lamang ay isang kwento,
sa huling araw ni lola sa mundong ibabaw sinabi niya sakin ang isang bagay na di ko makakalimutan,
ikaw ay nakatakda Ara sa isang nilalang na iibig sayo ng tunay, ibigin mo siya ng tunay, dahil batid niya ang iyong kasiyahan, siya ay iyong kabiyak na makakasama mo hanggang kamatayan
matapos sabihin ni lola ang mga salitang yun ay pumanaw na siya,
kung nagtataka kayo kung pano ko siya naging lola? nag asawa uli ang aking lola, at dun nabuhay ang aking ama si Theodoro Pineda ang nag iisang anak ni lola kay lolo,
at ngayon kamiy magbabakasyon kasama ang aking dalawang kapatid sa samar, sa bahay ni lola na ilang kilometro lang ang layo sa biringan,
sa edad na 25 muli na naman akong nakabalik sa probinsya ni lola.
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)