6

975 42 2
                                    

Chapter 6: Ang kwento ng biringan

A third person POV

Tumayo na si ara sakanyang hinihigaang ugat ng puno para upang mag tungo sa bahay ng kanyang lola

nagtataka pa rin siya anong lugar iyong nasa panaginip niya

naglalakad na siya papauwi sa bahay ng kanyang lola ng maka salubong niya iyong caretaker ng bahay

"magandang hapon po mang cardo" bati niya sa caretaker

"ay iha, magandang hapon rin may kailangan ba ikaw sa matandang gaya ko?" may halong pag papatawang tugon ng matanda sakanya

"may tanong po ako"

"ano iyon?"

"ano po yung biringan?"

"biringan?" ulit ng matanda at tumingin tingin ito sa palagid niya

lumapit ang matanda sakanya at binulungan siya, kapansin pansin ang pangangatog ng tuhod ng caretaker pero narinig niya ang bulong nito

"lugar iyon ng mga engkanto" ngumiti ang matanda sakanya at naglakad na papalayo

lugar ng mga engkanto? ano iyon? isip isip ni ara ang sabi ng matanda, ng tiningnan ni ara ang kalangitan nakikita niyang madilim ito

nagmamadali itong umuwi ng bahay upang madatnan niya ang katahimikan

may nakita itong sulat sa mesa katabi ng bintana malapit sa pinto

kinuha niya ang sulat at binuksan iyon

Ara, wag mo na kaming hintayin ni papa pauwi may ginawa lang kaming importante tungkol sa bahay ni lola, kumain kana jan initin mo nalang pag nagutom ka

-ate mong maganda

"haist, si ate talaga ang tamad" pagkausap ni ara sakanyang sarili

pinakiramdaman niya muna ang kanyang tiyan para i-feel kung nagugutom ba siya o hindi, ng maramdamang hindi naman pala siya gutom ay umakyat na siya

nasa ikalawang palapag na siya ng bahay ng mapansin niya uli ang painting

"eld" sabi niya ulit sakanyang isipan

hinarap niya ang painting at dun muling nag pa alila sa gintong mata ng bata sa imahe,

ng muling pagkurap ng kanyang talukap bumungad sakanya ang lugar na puno ng mga halaman, mga bulaklak na kay ganda

"anong lugar to?" tanong ni Ara sakanyang sarili,

napapalibutan ang kapaligiran ng mga halamang di makikita basta basta, mga bulaklak na sumasayaw sa hangin at pinapalibutan ng mga bulaklak

' isa, dalawa, tatlo, pag dating ng sampu '

dinig ni ara ang mga salitang yun,

'ISA'

muling rinig na pawang isinigaw na, ng pagkurap ng kanyang mga talukap bumungad sakanya ang mundo ng masasayang tao,

may mga nagsasayawang pawang mga dyosang nakikipag laro sa hangin

inilibot niya ang kanyang paningin ng mapansin ang kaanyuan ng mga taong nasa paligid niya

mahahabang tenga ng parang sa isang duwende, mga matang kakulay ng magagandang bato, mga buhok na tila binigyang kulay ng gabi sa sobrang itim, mga balat na tila nyebe sa puti, mga labing kasing pula ng rosas

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon