Chapter 14; Home in the unknown
Ara's
hawak ang tasang may lamang mainit na kape, nagmumuni muni sa mga mangyayari sa susunod habang nakaupo sa kahoy na duyan sa bakuran ng bahay ng aking Tiya
ilang araw na ang nakakalipas ng tumira ako sa aking Tiya, si Eld na dalawang beses ng bumisita para ako'y sunduin at ibalik sa palasyo ay parating umuuwing walang proseso
kung hindi iyak, ay pag mamakaawa ko para lamang di ako bumalik sa palasyong iyon
maganda ang Birangan, di ko maitatanggi yan, sa kadahilanang di ko ito mundo ay isa lamang dagok sa katotohanan na di ako pwedeng mag tagal dito
"Ara, wala ka bang ginagawa?" tawag ng aking tiya saakin
"wala po, bakit po?"
"pwede mo bang bantayan saglit si Les? pupuntahan ko kasi ang kanyang ama sa Polulia, kahit tatlong araw lang?"pag aalinlangan niyang tanong habang hawak ang maliit na kamay ng kanyang anak
"ayos lang po, ilang araw po ba ikaw magtatangal?"
"mga tatlong araw siguro o dalawa"
ngumiti ako sakanyang sinabi at tumango,
saaking pagtayo, ang mundo ay pawang umiikot saaking kapaligiran
mga ibon na kaninay humuhuni ay biglang naglaho
nakakabinging tunog aking narinig
at kadiliman ay sinakop ang aking paningin....
.
.
.
.
.
.
.
sa aking pag gising, bumungad saakin ang puting lugar, puting kurtina, higaan, kisame at iba pahawak ang aking ulo ay unti unti akong umupo saaking kinahihigaan, hinanap kung may tao ba sa paligid o wala
"gising kana pala Ara" sabi ng aking Tiya na lumabas sa kung saan man
"ano pong nangyare?" nagtataka kong tanong
ang aking natatandaan lamang ay ang kadiliman
"nahimatay ka, Ara may nangyari naba sainyo ng kamahalan?" seryoso niyang tanong saakin
"hindi ko alam Tiya, ng ako'y magising sa lugar na to iba na ang aking suot, tapos yun lang"
pagtataka ay gumuhit sakanyang mukha, pawang di makapaniwala saaking sinabi
"panong nangyari yun?" seryoso niyang tanong sakanyang sarili
nagtataka man ako sa ikinikilos ng aking Tiya, ay hinayaan ko nalang
matapos makausap ni Tiya ang doctor ko ay umuwi na kami sakanyang bahay
kapansin pansin ang kanyang mataimtim na pag iisip
kunot ang noong nakatingin sa daan at inaalala ang mangyayari sa kinabukasan
ako may mismong nagtataka kung ano ang nangyayari saaking Tiya, kahit isang salita ay wala siyang nabitawan saakin kanina habang papauwi kami
nais ko mang tanungin ako'y natatakot, baka iyong problema niya ay di para sa aking mortal
kaya minatili ko nalang tahimik
nakaupo ako sa sala, hawak ang remote at nanonood sakanilang tv, nakakatakot man isipin pero walang tunog ang kanilang mga palabas dito,
di gaya sa aking mundo, ang telebisyon doon ay puro kasiyahan lamang, makukulay na komersyal at ano pa
pero dito? may kulay nga, wala namang tunog pero akin pinagtatyagaan nalang
mga palabas nilang di ko maintindihan, mga komersyal na nag popromote ng abilidad at kakayanan ng babaeng dapat na kanilang mapapangasawa
at mga paraan para tratuhin ang kanilang mga asawang tao
nais ko mang magbasa ay di ko maintindihan ang kanilang lenguahe, ang pagkain nila'y kakaiba
pero isa lang ang sabi sakin ni Tiya, kahit anong mangyari ay di ako pwedeng kumain ng itim ng kanin, kung nais ko pang makauwi sa dati kong buhay
nakita ko ang anak ng aking tiya na bumaba galing ikalawang palapag ng kanilang bahay
hawak ang maliit na bola, at tiningnan ako gamit ang kanyang bilugang mata
"Tita, laro?" inosenteng sabi ng bata
di ko siya magawang tanggihan, ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay
pawang papalabas na kami sa likurang pintuan ng bahay ng may marinig kaming kumakatok
"dito ka muna ha? bubuksan ko lang" sabi ko kay Les
ngumiti ang bata at nagtungo nako sa pintuan
hawak ang seradura, binuksan ko ang pinto at tumambad saakin ang seryosong mata ng lalaking may gintong mata.
----
Hello faries, kamusta kayo? almost 1 and a half month akong di nakapag update 😭😭, i'm really sorry pero malapit na bakasyon, magpapa update spree ako kapag naka ano tawag nito? naka uhm nakaka ano uhm basta yun
don't forget to vote and follow cute naman kayo gaya ng author niyo 💕
qoute for the day
"All our dreams can come true, if we have the courage to pursue them."
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)