Chapter 29: Illusio
Ara's
Matapos ang mahabang pag iisip naisipan kong tumayo saking kinahihigaan, hawak ang habak at agimat na ibinigay nang albulary, dali dali akong nagpunta sa mesa at kumuha nang papel at ballpen panulat
'Papa,Ate, mauuna nako pumunta dun, kailangan ko makakuhanang sagot'iniwan ko ang aking maleta, at cellphone, dakot dakot ang perang natitira, umalis na ako,
patakbo kong tinahak ang corridor nang hotel hanggang sa makababa na ako at makalabas na ako, ang mga tao ay nagtitinginan saking ginawang pagtakbo, habol ang hiningang pumunta ako sa sakayan
"kuya, sa palengke po" isang tango ang tugon sakin nang drayber
nang makasakay ay kinakabahan ako sa susunod kong gagawin, iniisip kung magpapakita ba sakin ang hinahanap ko, o pupunta ako na walang mapapala
lumilipad ang aking isipan sa mga bagay bagay na nangyayari ngayon sa akin,napatingin ako sa daan na aming tinatahak, ang dati'y sementado ay ngayon lupa nalang, mga bulaklak na namumukadkad, mga paro-parong nagsisilaruan, mga ibon na nag aawitan, mga hayop na nagtatakbuhan, mga batang masayang nagtatawanan,
ang aking mata ay napadako sa kastilyong napaka engrande, pawang mga diwata ang nakatira dahil sa ganda nang kastilyo, at sa dulo nang hagdan papa-akyat papunta sa malalaking pintuan nang kastilyo si Eld ay nakatayo sa dulo nito, hawak ang kamay nang batang babae na di ko padin makita ang mukha,
"Mama?,babalik kana po samin?"
"sino ka?"
"di mo paako napapangalanan mama" malungkot niyang tugon sakin
"Miss?, nasa palengke na tayo" pukaw sakin nang drayber saking pagkatulala
"ah, sige kuya, eto po pamasahe" iniabot ko sakanya ang bayad ko
"sige miss, ingat ho kayo nang anak niyo" sabi sakin nang drayber
nakatayo ako sa gilid nang kalsada na may halong pagtataka saking mukha, anong anak? wala pako nun
isinawalang bahala ko nalang ang sinabi ni kuya drayber, hawak ang pinamigay sakin nang albularyo, naglakad ako sa gitna nang palengke hawak ang pag asang andun sana si Carolina, siya ang makakasagot sakin nang mga katanungan ko,
dumating nako sa pwesto kung nasaan ang tindahan ni Carolina nakalagay, isang matandang babae ang bumungad sakin, nasaan si Carolina?
nilapitan ko ang matanda nang bigla itong lumingon sakin
"sabi niya dadating ka daw, kitain mo siya sa puno sa likod nang simbahan, at mag ingat kayo nang anak mo" at tumalikod na siya at bumalik sakanyang ginagawa
anak?
dali, dali akong naglakad papunta sa likod nang simbahan na sinasabi nang matanda, nakita ko ang pinaka malaking puno nang ilang ilang sa tanang buhay ko, sa punong yun isang babaeng batang bata ang itsura, mukhang kaedad ko lang, may itim na itiim na buhok at mala nyebeng balat, ang buhok na sobrang haba na naka abot na sa bandang tuhod niya ay tinatangay nang malamyang hangin, kasama nang mga bulaklak nang ilangilang na sumasabay sa hangin, ang babaeng ang damit ay hango pa sa sinaunang panahon, ang mga paang walang sapin pero mala rosas ang kulay na animo di pa nakakatikim nang pagtapak sa lupa
unting unti lumingon sakin ang babae, hawak ang mahahaba at kulot na buhok na dumadapo sakanyang mukha, bumungad sakin ang gintong mata na bumabangungot sakin, mga labing kulay rosas at di man lang nasayaran nang tinta sa labi
"Carolina" sambit ko na di ko namamalayan
isang ngitin lang ang kanyang isinagot saaking pagtawag sakanya,ang dating matandang mukha nang babaeng aking hinahanap ay naging mala dyosa, ano ang nangyayari?
"hatid ko ay kasunduan Ara" sambit niya
nang sana'y ibubuka ko na ang aking bibig, isang napakalakas na sigaw ang nagpalingon sakin
sa gilid nang simbahan, ang aking Ama, at nakakatandang kapatid ay naka yuko, habol habol ang hininga, luha nang aking Ate ay tumutulo na, mga mata nang aking Ama ay nakikiusap,"Ara, wag" sabi sakin nang aking Ama, isang ngiti lamang aking isinagot at lumingon kay Carolina
ang aking dibdib ay kumakabog at buong tapang kong sinagot si Carolina
"ano ang iyong kasunduan?"
ngumiti ito nang pagkatamis tamis at sinimulan niya nang magsalita
"itatago ko kayo nang pamilya ay anak mo saking pamangkin, ang kapalit ay sa sampung taong gulang nang bata,hahayaan mo itong mag desisyon"hindi ko maintindihan bakit ganun ang kasunduan niya
"alam niya ba to?" tanong ko
ngumiti lang ito at humindi
"pumapayag ako sa kasunduan mo"
ang mga tanong na nangangating lumabas saking labi, ay pawang isang bara lamang sa lalamunan ko.
sa pag kurap muli nang aking mata ay naglaho na si Carolina, kasabay nang malaking puno nang ilang-ilang.
nilingon ko ang aking pamilya na may ngiti sa labi, oo hindi pa natatapos ang problema ko, pero kailangan ko to ngayon.
-----------------------------------
Epilouge next, wag muna aalis kasunod niya to...
oo maliit lang chapters niya,pero kung isasalaysay ko ito nang buo ay mahihirapan ako see you in part 2 :)ps. si Ara yung sa pic
pictures are not mine ccto.
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)