Epilogus

263 6 7
                                    

Isang sigaw  ang gumimbal sa  buong probinsya nang Busuanga

"aaAAHHHHHHHHHHHHH" 

"ire pa"

"hooo,hooo, putchaaaaaaa"

"uwaaaaaah, uwaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh"


"iha, babae ang anak mo"
sabi nang matrona na nagpa anak sakin

"napaka  gandang bata naman nito, maraming lalaki ang  paiiyakin nito paglaki"


nilingon ko ang aking anak, matapos ang mga buwan na pagdadala ko sa batang ito, nasilayan ko na din ang aking  anak, ang buhok niyang  dilaw at  balat niyang nagsisimbulong nyebe, ibinigay sakin nang  aking ama ang anak ko

mayroon siyang matangos  na ilong, mala rosas  na pisngi, medyo patulis na nagsisimbulong puso na labi

na  aalala  ko na naman ang pagtakbo naming ginawang mag aama, sa takot na baka sirain ni Carolina ang kasunduan, ang planong tapusin na ang lahat ay biglang naglaho na parang bula dahil sa kasunduan nang engkanto na ibinigay samin

ang byaheng pauwing maynila ay di na namin itinuloy, dumeretso kami sa isang maliit na barrio. dito sa Busuanga palawan, hawak ang pangako na maiiligtas kami

napalingon ako saking anak na ngayon ay nakadapa na saking dib dib, tahimik na  sinisipsip ang kanyang hinlalaki

nang idinilat nang aking anak ang kanyang mata at lumingon sakin, ngumiti ito, pero di mo maipagkakait ang gintong mga mata niya na di normal

ibinigay samin nang matrona ang f-fill upang bith certificate nang bata,   at sinabihan na bukas ay dadaanan  niya daw  ito

nilingon ko ang aking ama, 

"sasabihin natin  na  anak nang kano iyang  apo ko"

"oo pa,hinding hindi maipagkakaila ang ganda nang bata na pawang diwata"
sagot nang aking ate na  ngayon ay nagtatrabaho lamang sa malapit,, dahil sa takot din nang aking Ama na baka ay matipuhan din si ate nang tamawo

"pero anak? ano ang pangalan nang aking apo?"
tanong sakin nang aking Ama

kahit anong takot ko sa tatay  nang anak ko, hindi padin maipagkakaila na  anak niya talaga ito, wala  man lang  nagmana  sakin maliban sa mukha  nang bata, pero ang kanyang kulay ay lahat sa tatay niya

nasabi sakin nang albularyo dati na malaki ang tyansa na di magmukhang tao ang anak ko dahil sa Ama nito, pinayuhan ako na ipalaglag ang bata, pero hindi ko ginawa, isa itong regalo galing sa itaas kahit ang tatay niya ay hindi tao

ngumiti ako saking tatay at sinagot siya sa pangalan nang aking anak

"Kasadeya, Kasadeya Eldiva Pineda"


FIN.

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon