Chapter 11: The day of the dead is coming...
Ara's
Sa isang malamig na gabi, may isang Prinsepe na nakatira sa isang abandonadong kastilyo
sa kanyang pag iisa napapaisip siya kung kapalaran niya ba talaga ang maiwang mag isa sa isang madilim, malamig at malaking kastilyo
makisig naman siya, matalino, at higit sa lahat Prinsepe siya pero bat kinakailangan niya pang maiwang mag isa?
sa pag dating ng umaga... ang Prinsepe ay nagpasyang pumunta sa kagubatan, habang naglalakad may nakita siyang isang diwata
isang napaka gandang diwata, nais niya mang lapitan di niya ito maabot...
parang ang diwata ay ang buwan at siya ang lobo sa gitna ng gabi na uma alulong upang mapansin ng buwan ang lobong nag iisa
lumipas ang panahon na patuloy pa rin ang Prinsepe sa pag tanaw lamang sa malayo sa diwata, ngunit isang araw--
isinara ko ang librong binabasa ng marinig ko ang tawag ni ate saakin sa ibaba
tiningnan ko uli ang pamagat ng librong binabasa Sands of destiny
nagtataka man bakit ganun ang pamagat ay nagsimula na akong bumaba para dingin ang tawag ng aking ate
"po?"
"Ara dali kakain na, pakitawag sila ni papa at ng kanyang bisita sa labas baka nagugutom na iyon"
lumabas na ako para matawag si papa at ang kanyang bisita
papunta palang ako sa likod na bahagi ng bahay ni lola ng may dumaang malamig na hangin sa aking katawan
ako'y napalingon lingon sa aking kapaligiran sa di malamang dahilan
ipinagwalang bahala ko na lamang ito at itinuloy ang aking paghahanap sa kay papa
nakarinig ako ng tawanan sa bahay ng manokan
sinundan ko ito at nakita ko si papa na nakikipag tawanan sa isang lalaki, di ko ito ma aninag dahil nakatalikod ito pero iba ang pakiramdam ko sa taong ito
matikas ang kanyang tindig at masasabi mong isang mayamang tao ito sa uri ng pananamit nito
"papa kakain na daw sabi ni ate"
"sige anak, ay nako iho, eto pala ang aking bunsong anak si Ara" pakilala sakin ni papa sakanyang bisita
ng lumingon ang bisita ni papa saakin ang una kong napansin ang kanyang gintong mata
para akong binuhusan ng tubig ng makilala kung sino ito
"Ara si Eld, nakilala ko sa bayan nung isang araw"
"magandang tanghali Ara" sa kakaunting salitang iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko
"m-m-magand-ang tanghali rin Eld" bati ko rin
"ay nako tara na iho gutom na gutom nako"
umunang naglakad si papa papunta sa harap ng bahay, habang ako ay naiwan pang nakatayo
ng dadaan na saaking harapan si Eld, bigla itong huminto at tiningnan ako ng masinsinan saaking mata
"You should pack your things amica mea, i don't want you to leave something important behind"
-naisipan na ng prinsepe na ipahiwatig ang kanyang nararamdaman sa diwata, ang pagta tatag ng kanyang pagmamahal sa diwatang naging ilaw sa madilim niyang buhay-
"and the story will end kapag nakuha na kita amica mea... the Sands of Destiny is a very good story to tell our tale amica mea"
and by that sumunod na siya kay papa
ako ay naguguluhan at the same time kinakabahan
inalala ko kung anong araw ngayon
October 30, 2015
2 days to go...
-----
ang short ng mga chapters ko... may tanong ako... is my story worth it? or not? :<
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)