2

1.3K 35 0
                                    

Chapter 2: Ang kwento ng samar

(biringan at the top)

Ara Pineda

ng makarating kami sa samar, kapansin pansin dito ang mala probinsyang tahimik nito,

habang naglalakad kami patungo sa bahay ni lola na nasa gitna pa ng gubat,

napapansin ako ang mga bulungan nila na sobrang seryoso,

"ano? may nakuha na naman ang mga engkanto?" rinig kong sabi ng mejo malapit sakin

"oo balita ko anak daw yun ni ca-toto naging 25 na kasi tapos nagpakita pa tsk tsk" sabi ng babae na mejo mataba

"nako kawawang bata naman iyon balita ko napakaganda ng batang iyon, plano pa ngang ligawan yun ng aking anak na si kiko" tugon nung isa

"hula ko sa biringan dala nun eh"sagot nung babaeng mejo mataba

ng marinig ko ang biringan dali dali akong nagtungo sa dalawang babaeng nag uusap,

"magandang araw ho" bati ko sakanila

napatingin sila saakin na may pagtataka sa kanilang mga mukha

"bakit iha? may maitutulong ba kami sayo?" tanong nung mejo mataba

"alam niyo po yung biringan?" tanong ko

nagkatinginan ang dalawang babae na kitang kita ang takot sa kanilang mukha,

hinila nila akong dalawa at nag bulungan sa harap ko pero di ko naman maintindihan,

"iha wag mong sasabihin ng malakas ang lugar na iyon" sabi nung payat na ale

"bakit po?"

"maari ka nilang kunin, napakaganda mo pa namang bata" sabi nung mejo mataba

"bakit po di pwedeng sabihin ng malakas?" tanong ko

"dahil isa iyong masamang balita, ayon dito sa mga kama mamayan namin kung sino man mag usap tungkol doon maaring kunin nila" sagot ng mejo mataba saakin

"ARAAA" sigaw ni ate

"POOO ANJAN NA PO" sigaw ko pabalik

nagpaalam nako sa dalawang babae pero bago pa man ako maka alis, may hinabilin sakin ang mejo payat na babae

"iha wag kang pupunta sa parang" nagtataka man sa kanyang sinabi umalis na ako.

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon