§Entry 26§

198 7 1
                                    

Fast Forward

Entry 26 - Nurse

[Jade's POV]

Mukha na ba akong alalay? Kung sa bagay kung buhay ko naman ang kapalit eh okay na din.

'Mula ngayon personal na tagapag-alaga ka ni Jake.'

'Oo para sa ganun ay madali ka na din naming mababantayan.'

*PIIIIIP*

"Jade anak andyan na yung boyfriend mo!" sigaw ni Mama mula sa baba. Tss. Si mama naman eh , sinabing hindi ko boyfriend ang kumag na yun.

"Opo andyan na!" Nagmamadali kong kinuha ang mga bag ko. Tss. Ang aga naman kasi niyang pumunta dito sa bahay ayan tuloy nagkukumahog na naman ako.

"Babye Ma!!" humalik ako sa pisngi ni mama at tapos ay lumabas na ako.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa gate ay nakikita ko na ang maangas na pagmukha ni Jake. Oo nga pala hinahatid at sundo niya ako magmula ng sumideline ako ng pagiging nurse niya.

"Tss. Dapat may sweldo ako nito eh." nakakainis hindi pa nga yata ako nagsusuklay eh.

"Tss. Dapat nga matuwa ka na personal nurse kita. Maswerte ka na ikaw ang pinili ko sa dami ng nagkakandar- Aww!" siko ko nga. Inis eh.

"F*ck it hurts Jade!!" nataranta naman ako dahil agad niyang hinawakan yung bandang tiyan niya. Nakalimutan kong hindi pa nga pala ganung kagaling yung tama niya ng bala.

"Sorry.. Sorry. Teka patingin nga," inangat ko yung uniform niya at nakita ko ang 6 pack abs este tiyan niyang nakabenda.

"Masakit ba? Saan? Saan masakit?" Grabe natataranta na ako.

"Dito." sabi niya habang tinuturo yung labi niya. Arggggh!

"Arrrrrgghhhhh JAKE!! Nakakainis ka!!" hinampas ko siya pero this tine sa may braso nalang. "Nakita mo bang natataranta ako dito tapos nakuha mo pa akong biruin! Walanghiya ka!" Tss. OA na kung OA pero leche!

"Don't worry. I actually find it cute." nakangisi niyang sabi .

"Tse! Ewan ko sayo!" tinabig ko siya para makasakay na ako sa oh so brand new Ferrari niya. Wee! Feeling ko tuloy ang yaman ko nito eh.

Sumunod din naman siya at umupo dun sa driver seat tapos ay umalis na kami.

Pagkadating sa school ay as usual nakaabang na naman ang mga tsismosa sa labas. Pagkapark nito ay parang mga lintang nagsilapitan ang mga tao sa labas ng sasakyan.

"OMG Prince Jake!!"

"KYYYYYAAAAAHHH! Ang hot mo pa din Prince Jake!"

Ang ingay naman nilang makatili. Tss. Bumaba na ako. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nilang lahat sa akin.

"Eeewww. Why is this girl is always with Prince Jake ba?" maarteng sabi ng babae sa akin.

"Yeah right. She's so panget naman compared to us." tapos ni-head to foot pa niya ako.

At ako naman? Eto nakatayo habang bitbit sa kanang balikat ko ang bagpack ko at sa kaliwa naman ang bag nitong si Jake. At ano daw? Panget? Ako panget? Tampalin ko tong mga to eh.

Balak ko sanang sumagot kaso biglang umepal si ungas at inakbayan ako.

"Don't mind them Jade." At hinila niya ako palayo.

Whut?

Medyo malayo na kami. At unti-unti na akong nakakabawi sa mga pinagsasabi nitong mokong na to.

[TTHS #1] He is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon