§Entry 48§

87 5 0
                                    

Entry 48 - Doubts

[Jade's POV]

Nung umagang yon. Kumain kami ng masaya at napuno ng mga kagag*han ang mesa dahil full na daw ang enery nila Nico at dahil nga sa nagbalik na si Jake kaya naging okay na rin.

Kwento sila ng kwento puro sa pangchichicks nila at mga ginawang kalokohan nung bata pa sila at marami pang iba.

Napatingin ako kay Jake na tuwang tuwa sa mga kinukwento ng mga kaibigan nya. Masaya ako at nandito na ulit sya.

"Tapos naalala ko , Yung kaklase kong babae nung Elementary may crush daw sakin"Uminom muna si Steve ng tubig"Sakto ! Uwian na at nakita ko sya. Nilapitan ko sya at inakbayan tapos hinalikan ko sa pisngi. Ayun ! Pulang pula"

"Hahahahaha"Ngayon ko lang nalaman na likas na pala talaga kay Steve ang maging Babaero dahil mula bata pa pala sya ganun na sya.

"Puro kayo kalokohan ! Mga babaero talaga kayo"Ani naman ni Cindy.

"Gwapo naman"sabi naman ni Nico sabay pose ng pogi sign.

Winagayway ko na ang kamay ko sa kanila"Sa panahon ngayon , Hindi lang gwapo ang babaero. Kahit mukhang talampakan ang lalaki , Malakas na ang loob mambabae !!"sabi ko.

"Tama !! Bakit ba hindi kayo makuntento sa isa ?"Tanong naman ni Cindy sa kanila. Hmm.. Good question.

Umiling iling si Denver sa kanya sabay sabi ng"Don't count me in" "Ako din !"sabi ni Ervin.

"Ehem ehem"Napatingin ako kay Jake na pekeng umubo. Kinatawa ko naman ito , kahit ang tatlong hindi kumikibo napatingin sa kanya.

"Bakit ? Babaero ka ? Tinamaan ka ba ? Haha"biro ko sa kanya.

"Hahaha wala pre ! Buko kana"Sapaw ni Migs.

"Lul ! Hindi ah ! Ikaw lang noh"sabay kindat sakin. Natawa nalang ako sa inasta nya.

Umiling iling nalang yung mga kaibigan nya sa sinabi nya , na parang hindi naniniwala.

"Oh ! Masyado na kayong nawiwili sa kwentuhan. Hala sige ! Magtayuan na tayo nang makapaghugas na ako"Ngayon lang napansin ni Cindy na kanina pa kami tapos kumain at nagkwekwentuhan. Siguro dahil nalibang sya sa usapan.

Nagtayuan naman kami at nagligpit ng pinagkainan namin. Naunang umalis yung mga lalaki sa kusina at kami nalang ni Cindy ang natira dito.

"Oh ? Kaya ko na dito. Doon ka na muna sa Hubby mo"sabi nya.

"Hindi , tutulungan kita dito"Nakakahiya kasi hindi porket dumating na si Jake. Makakalimutan ko nang tumulong kay Cindy lalo na sa bahay nila to.

Nagusap na din kaming dalawa habang naghuhugas. Bale , parang nag girls talk lang kami dito.

Sya ang nagsasabon at ako naman ang nagbabanlaw. Patapos na kami dahil hindi naman gaano karami ang hugasin. Pupunasan nalang namin ito pagkatapos at ibabalik sa cabinet.

"Alam mo , talagang mahal mo si Jake noh ?"sabi nya habang nagpupunas nang pinggan.

"Oo naman."sagot ko.

"Halata nga eh"biro nya sakin. Tumawa nalang ako.

Natapos kami sa ginagawa namin mga bandang 8. Tinignan namin ang sala pero wala sila dun. Kaya nagpunta kami sa Garden dahil naisip namin na baka nandun sila.

"Hindi ko sinasadya yun. Hindi ko naisip na mangyayari yun"

Aksidente namin silang narinig na naguusap. Ano yung pinaguusapan nila ? Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jake.

Balak pa sana namin ni Cindy na makinig sa usapan kaso , bigla silang tumahimik.

"Eavesdropping is a bad attitude"Nanlamig kami sa sinabi ni Denver

Paano nila nalamang nandito kami ? Paano nila naramdaman ? May mata ba sila sa likod ? Baka may CCTV dito.

Kinalabit ko si Cindy."May CCTV ba dito ?"bulong ko.

Umiling sya. Paano nila nalaman na nandito kami ?

"Labas na jan Wifey at Cindy"

"Ehh"daing ko nung lumabas na kami."Ano pinaguusapan nyo kanina ?"tanong ko.

"Nothing"

Napataas ako ng kilay nang wala sa oras. Seriously ? Ano ako ? Kahapon ipinanganak at walang alam ?

"Hindi ako bingi Japoy"pambabanta ko.

Nagpakawala naman ng malakas na tawa silang lahat and of course maliban kay Denver.

"Pre ? Japoy ? Hahahahaha bagay sayo !"komento ni Migs. Hihi I know right!

Pinaikot nalang ni Jake ang mata nya sa reaksyon nila."Shut up , Boys talk ! Wag kang makisali"sagot naman nya sakin.

Inismirad ko nalang sya. At umupo sa upuan dito. May lamesa na bilog kasi dito at upuan. Na pwede talaga syang matambayan.

Sinulit na namin ang araw ngayon dahil bukas uuwi na kami sa kanya kanya naming mga pamamahay.

Naglibang kami , gumawa kami ng kung ano anong matripan namin. Kagaya ng magbasaan gamit ang hoss sa gripo habang naka on ang springler.

Nung mga oras na yun , Feel na feel namin yun. Na parang mga bata pa kami at walang alam kundi puro laro.

At dahil naglaro kami maghapon , syempre hindi mawawala ang lapangan mode yun pa ba ? Mawawala ? Tskk.

Mga gutom kami pagkatapos nun. Pero kahit na nageenjoy ako sa loob loob ko , nagtataka ako. Ano ba yung sinabi nya kanina ? Tapos ayaw nyang ipaalam sakin ?

Time check : 5:40 pm

Nagshashower ako ngayon , Sy ? Hindi sinasadya ? Nangyari ? Pinipilit kong isipin kung ano yun.

Hindi ako yung tipo na nagbubulagbulagan. Na hindi marunong makiramdam at walang alam sa nangyayari sa paligid.

Aalamin ko yun. Malalaman ko din kung ano yung sinasabi ni Jake na ayaw nyang ipaalam sakin.

Bumukas ang pinto at bumungad ang nakangiting mukha ni Jake.

"Oh ? Good mood"Sa halip na sumagot sya ay yumakap lang sya sa likod ko at sinubsob ang mukha nya sa leeg ko.

"J-jake nagsusuklay ako"Buti nalang tapos na ako at nakabihis na.

"Sorry"Yung aura ko kanina na masaya ? Naging seryoso. Eto din ang pinagtataka ko. Simula ng bumalik sya lagi na syang nagsosorry sakin.

Tama nga siguro ako. May mali dito , At malalaman ko din yun.

***

Oh my g !!! Naghihinala na si Jade kay Japoy ! Waaaah. Sorry po kung ang lame po ng chapter na to. Sabaw ang utak ni Author eh. Mianhe :( Abangan ang next chapter.

© GirLirpa

[TTHS #1] He is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon