Entry 30 - Jake vs. Migs
[Jade's POV]
Nakatingin lang ako sa labas ng room. Nagtuturo ang teacher namin pero di ako nakikinig. Ilang araw na din makalipas ang pangyayaring yun. Simula ng mangyari yun lagi akong natatakot sa mga sumisigaw. Ang sabi naman ng Doktor na trauma lang daw ako dahil sa ginawa sakin ng mga kidnaper.
Nalaman din ni Mama na nakidnap nga ako , Sumunod sya ng kinagabihan nun. Hindi naman nagalit si Mama , Pinagalala ko lang daw sya ng sobra.
Si Migs ? Ayun , Nakabawi na ng lakas. Kahapon lang sya nakalabas sa Ospital dahil sa pinsalang inabot nya , Maswerte sya dahil walang organs , ugat o buto ang tinamaan ng pagkakasaksak sa kanya .
Si Jake naman. Okay kami , Nagbabatian at naguusap na kami ng matino ngayon. Pero syempre di pa rin namin maiwasan ang magkainitan ng ulo dahil sa ugali namin. Pag alam nyang galit na ko , Tatahimik na sya kasi alam nyang natrauma ako sa kakasigaw sakin. Baet noh ?
Ako ? Well , I'm okay. Nagrerecover pa ko sa nangyari. Bigla akong tinawag ni Ma'am Tan .
"Ms. Saavedra , Are you with us ?"
Tumango nalang ako at yumuko , Baka ipaexplain pa sakin yun wala akong masasagot dun. Dahil hindi ako nakikinig. Nakakaantok naman. Hayyy .
After a couple of hours
Nagising ako sa yugyog ng isang taong hindi ako titigilan hanggat hindi ako nakikitang gising."Jadeee~ Wake up !!"sabay ugoy nya sakin.
Binukas ko ang mata ko para makita sino ang umuugoy sakin . At hindi nga ako nagkamali ng akala"Bakit ba?"
"Duhhh~ Lunch time na kaya , Di ka pa ba gutom ?"si Cindy
Kinusot ko ang mata ko , Ganun ba talaga ako katagal nakatulog at inabot na ko ng Lunch ? Hayst .
"Sige"sabi ko sa kanya , Sabay tayo sa upuan ko .
Oo nga pala , Asan yung mga yun ? Hindi ata nakaaligid sakin ngayon yun ? Weird. "Sila Jake ?"
"Nasa Canteen. Sila nagpapatawag sayo , Ako lang inutusan"Sagot nya.
Napatango nalang ako. Dati naman , Sinasabay nila ako pababa eh. Anyare kaya sa mga yun ? Nakarating kami ng Canteen ng payapa.
Habang naglalakad kami , Pinagtitinginan ako ng lahat ng studyante. Alam na sa school ang nangyare samin nila Jake. Kaya ganyan sila makatingin sakin.
"Jade , Don't mind them okay ?"Di ko naramdaman na nakalapit na pala ako sa kanila . Nagbigay nalang ako ng isang tipid na ngiti.
Nakita ko naman si Jake na tinatapik yung bakanteng upuan sa tabi nya . Ano yun ? Inuutusan nya ba kong umupo sa tabi nya ? Tsk. Bossy as always.
"Jade , Dito ka sa tabi ko"Sabi ni Migs. Sabay ngiti sakin . Dumiretso ako kay Migs .
"Tsk"Narinig kong salita ni Jake . Bakit ? Anong akala nya sakin ? Aso ?
Si Migs naman busing busy sa pagbigay ng pagkain sakin."Migs , Andami naman nyan."sabi ko . Jusko kasi parang bundok yung kanin T^T
"No Jade , You need it . Para makabawi ka ng lakas"Hayy , Mukha akong timawa nito.
"Jade. Pahingi nga ng kanin"Sabi ni Cindy . Aleluyaaa ~ Gosh PG alert ! Buti nalang nanjan sya.
"Ayy , sige lang Cindy . Kuha ka ng madami ah ? Pakabusog ka"tapos inalalayan ko pa sya pagkuha ng kanin.
"Thank you !! ^_^"
Napatingin naman silang Lahat sakin. Awkward ~ krukruu ~"Hehe . Kanin gusto nyo?"
"Tsk , Takaw"pinanlisikan ko sya ng mata. Kapal ng mukha neto ah?