§Entry 49§

109 5 0
                                    

Entry 49 - Sydney the Wrecker

[Jade's POV]

Dalawang araw na ang lumipas nang makauwi ako sa bahay.

Dalawang araw na rin akong walang balita kay Jake.

Dalawang araw na walang paramdam , ni ha ni ho wala. Ni text hindi pa magawa. Tinatawagan at tinatext ko sya pero hindi nya sinasagot.

Dalawang araw na rin akong tulala at nagiisip. Sa isang sorry nya , doon nagtapos lahat. Hindi ko inakalang yun na pala ang huling beses na yayakapin nya ko at makakasama ko sya.

Magmula ng pauwi kami galing kina Cindy. Hindi na sya kumibo , Naging malamig ang pakikitungo nya nun sakin. Bakit ?

May pinagusapan sila ng mga kaibigan nya nung aksidente namin syang narinig. Tatawagan ko si Migs para itanong kung ano yun.

Hinablot ko sa tukador ang nakalapag ko na cellphone at dali daling dinial ang number ni Migs.

(Ringg.. Ringg..)

"Come on Migs."

(Yes ?)

"Oh God ! Magtatanong lang sana ako eh. Ano ba yung pinagusapan ninyo nila Jake nung nasa Garden kayo?"

(Ahm. Jade sorry di ko pwedeng sabihin eh.)

"Please. Sabihin mo. 2 days na Migs. 2 days na syang walang paramdam at parang nawala na isang bula."

(W-what ? You mean ? hindi na sya nagparamdam at nagpakita sayo matapos ka nyang ihatid sa inyo ?)

"Oo , kaya nga gusto ko malaman kung ano ang pinagusapan nyo eh. Para naman malaman ko kung saan sya hahanapin."

(Sorry Jade. Hindi kita matutulungan. Sorry)

Pagkasabi nya nun ay binaba nya na ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako at napaupo sa kama.

Kringg.. Kringg..

Nataranta ako ng tumunog ang cellphonme ko. Akala ko si Jake pero , hindi si Cindy.

"What now ?"

(Oh my god ! Don't tell me hindi mo pa nakikita ?)

Napakunot ako ng noo. Nakikita ?"Ang alin ? Ano bang meron ?"

(The video ! Yung video na nagkalat ngayon sa social media sites.!)

"Ano ba yung video ? At parang natataranta ka ?"

(Hindi ko kayang masabi sayo Jade. See it for yourself. Just calm down okay ? By the way , Nakatag sayo ang video. Mag online ka)

Pinatay ko agad ang tawag. At kinuha ang laptop ko sabay inopen.

Pagkabukas na pagkabukas. Inopen ko agad ang Facebook ko. Ilang bwan din ako hindi nakapagfacebook , kaya napaka raming notification at chat.

Hinanap ko ang video at tama si Cindy naka tag sakin 'yon. Pinanuod ko yon at para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Hindi ito simpleng video , Si Sydney at... Jake ? Ang nasa video at nagtatalik. Hindi ko napansin na naguunahan na pala ang mga luha ko pababa.

Si Jake ? Yun yung gabi na nawala sya ? Yun yung hindi nya sinasadya at hindi nya naisip na mangyari ? Niloko nya ko ?

***

"Saan ka nagpunta ? Kagabi ka pa namin hinahanap"Sabi sa kanya ni Nico.

"Sy..Somewhere"sabi nya. Parang bigla syang kinabahan dahil nagiba ang mood nya sa tanong ni Nico.

[TTHS #1] He is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon