§Entry 34§

135 7 0
                                    

Entry 34 - Serious Jake

[Jade's POV]

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Palubog na ang araw. Inilibot ko ang paningin ko , Nasa isang kwarto ako. Hindi ko kwarto to dahil boyish type ang room.

Bakit ba ako nandito ? Kumirot ng kaunti ang ulo ko. Arghhh. Oo nga pala nawalan ako ng malay sa Field. At iniligtas ako ng isang lalaki.

Napatigil ako sandali nang maalala ko yung narinig ko bago ako mawalan ng malay.

'Hindi ko hahayaang saktan ka nila Jade. Ligtas kana'

'Kailanman , Hindi ko sila hahayaang saktan ka. Ako ang magliligtas sayo pag nasa panganib ka , Huwag ka magalala. Pag yakap na kita , Ligtas kana'

Pareho sila ng sinabi nang misteryosong lalaki na nagpakita sa panaginip ko. Hindi kaya siya yun ? Jade , Wag ka agad magconclude ng mga ganung bagay. Dahil baka mali nanaman ang inaasahan mo. Tsk.

Hindi na ako nagabalang umalis dito dahil masakit pa ang mga pasa ko. Kung sino man ang tumulong sa akin kanina. Nagpapasalamat ako sa kanya. Kaya lulubos lubosin ko na.

Biglang may nagbukas ng pintuan , Napatingin ako dun. Si Jake , May dalang pagkain. Ibig sabihin sya ang nagligtas sakin kanina ?

"Nandito ka sa Condo unit ko"sabi nya. Napatango naman ako dun. Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya. Biruin mo , nasa iisang kwarto lang kaming dalawa.

Kapwa kaming walang imik. Nakita kong nilapag nya ang dala nyang pagkain sa Study Table nya.

"Kumain kana , Pinagluto kita"Hindi ako makasagot. Gusto ko syang tanungin dahil lalo lang ako nalilito sa mga nangyayari.

"Makinig ka , may sasabihin ako sayo"Napatingin ako sa kanya. Seryoso sya. Umupo sya sa paanan ko. Umayos naman ako ng upo.

"Ako din. May itatanong ako sayo"

"Mauna ka"

"Ikaw ba yung lalaking sumusunod sakin ? Yung lalaking nagmamanman sakin"sana sagutin nya.

"Hindi , Hindi ako yun"Para akong sinaksak sa dibdib nang marinig ko yun. Umasa kasi ako , kaya ito.

Dahan dahan syang lumapit sakin. Hinawakan nya ang kamay ko , parang nakaramdam ako ng pagiinit ng pisngi ko. Kaya yumuko ako , pero dali naman nyang hinawakan ang baba ko at itinaas ito. Ngayon magkalevel na ang mukha namin.

"Gusto kong maniwala ka sa lahat ng sasabihin ko. Marami akong gustong sabihin at sasabihin sayo. Kaya sana naman , Makinig ka at magtiwala ka sakin. Please Jade. Trust me"sinserong saad nya sa akin. Seryoso sya ngayon. Hindi ko nakikita sa kanya ang Jake na kinaiinisan ko sa School , Kabaliktaran sya nang nakikita ng lahat.

Tumango ako sa kanya."Oo , May tiwala ako sayo Jake"

Mabilis pa sa alas kwatro , naglapat ang mga labi namin. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat sa nangyari.

Pero agad din naman akong nakabawi sa pagkagulat ng ginawa nya. Pumikit ako , at dinama ang sensasyong ito.

Tumugon ako sa halik nya. Inangkla ko naman ang dalawang braso ko sa leeg nya. Sya naman ay , hinapit pa ang bewang ko palapit sa kanya.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Jake. Ramdam ko iyon sa bawat halik nya sakin. Hindi ito yung marahas , sa halip ay puno ng pagmamahal.

Dug dug dug dug dug.

Ang dibdib ko , malakas ang kabog nito. Gustong magwala nito. Ibig sabihin ba nito , Mahal ko si Jake ?

Si Jake Vincent Natividad ? Na mortal kong kaaway , Kinaiinisan , Kalaban ? Ay ngayon nasa harap ko at hinahalikan ako ? Ay mahal ko na pala , Pero hindi ko lang narerealize at napapansin.

Humiwalay sya , Pero nanatili kaming magkalapit at nakapikit. Ang kamay ko ay nasa leeg nya at ang kamay nya sa bewang ko. At Kapwang kaming hinihingal.

Minulat ko ang mata ko , kasabay ng pagkamulat nang mata nya. Nangungusap ito at parang sinasabing 'Mahal kita' .

Idinikit nya ang noo nya sa noo ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pumikit."Hindi ko na kaya pang pigilan Jade. Hindi ko na kayang tiisin at ipagwalang bahala ito. Hindi ko na kaya pang itago ito sayo. Hindi ko na kaya , Baka pag pinilit ko pa 'tong pigilan at itago baka sumabog na ko."

Lumayo sya konti at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Hinaplos nya ang buhok ko , Iginala nya ang kamay nya sa mukha ko na para bang kinakabisado ang bawat detalye. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Mahal kita Jade. Mahal na mahal , Sa puntong hindi ko kayang lumayo sayo , Kahit may humadlang pa. Wala na akong pake. Ang mahalaga sakin , masaya ka. Masaya tayong dalawa , kasama ang isa't isa. Mahal kita Jade sobra. Kulang ang salitang sobra para dun. Alam ko , Hindi ko napaparamdam yun sayo at kaya medyo nagdududa ka. Pero Jade , Sa puntong ito , sa oras na to. Seryoso ako , At hindi ako lasing. Seryoso ako sayo , Seryoso ako sa sinabi ko at Seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo. Maloko at Gag* akong tao pero marunong ako magseryoso. May isang salita ako. Kaya sana naman maniwala ka sa sinasabi ko. Please Jade"He's begging infront of me.

Tama sya. Lahat ng sinabi nya totoo at yun sya. Buti naman at aware sya dun sa mga ginagawa at ugali nya. Natulala nalang ako sa kanya. Eto na ba yung ? Tinatawag nilang kilig ? Tsk.

Nakakatawang isipin , Ang isang Jade Saavedra napakilig ng isang Jake Vincent Natividad ? 'The more you hate , The more you Love' ika nga nila. Well , I guess it's true.

"Sorry kung lumalayo ako sayo , Sorry kasi hindi kita pinapansin , Sorry kasi lagi kitang inaasar. Basta ! Sorry sa lahat Jade. Sana naman mapatawad mo pa ako ? Sana naman huwag mo naman ako ireject oh ? Nakakahiya kaya yung magtapat sa babaeng mahal mo. Kahit na ba na kayo lang dalawa , nakakahiya pa rin."Nagkamot naman sya ng ulo nya. Cute !!"Atsaka , Choosy ka pa ba ? Isang Jake Vincent Natividad nagconfess sayo ? Tandaan mo ! Hearthrob to noh ! Swerte mo sakin. Kaya magpasalamat ka dahil minahal kita"

Kung kanina kilig nararamdaman ko. Pwes ngayon , parang naguumpisa atang uminit ang ulo ko dahil sa kayabangan nito. Tsk tsk Puro yabang.

"Para atang pinalalabas mo na pangit ako ah ? Mahiya ka nga sa apog mo ! Kapal mo. Bakit akala mo ba cool ka ? Akala mo ba gwapo ka ? Utot mo ! Mukha kang daga , kaya magtigil ka jan"bulyaw ko sa kanya.

"Seryoso na kasi , Mahal kita. Mahal mo rin ba ako ? Sagot ah ! Gusto ko yung di ka mauutal. Yung tipong walang alinlangan."sabi nya.

"Oo"sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya. Problema nito ?

"Oo ? Anong Oo ? Di ko magets kaya liwanagin mo !"Aba ! Demanding pa p*ta. Hinampas ko nga.

"Aba ! Gag* ka ah ? Sinisigawan mo pa ko ? Hoy ! Babae ako tapos sisigawan mo ko ? Akala ko ba mahal mo ko ? Nakaka p*tangina ka alam mo ba yun ?"

"Aish ! Gusto ko din namang marinig sayo yun eh. Kasalanan ko pa talaga ah ? Nakakahiya sayo."Umirap pa sya"Ano na ? Sagot ! Bilis ! Bagal oh"dagdag pa nya.

"Oo na ! Mahal din kita ! T*ngina demanding mo ah ? Arte mo ! Iirap irap pa k---"di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong halikan.

Nakakarami na sakin 'tong mokong na to ah ? Tsk. Walang duda si Jake nga tong kaharap ko. Kasi kahit anong mangyari lalabas at lalabas ang ugali nyang pagiging demanding.

Pasalamat sya mahal ko sya. Bwiset talaga tong daga na to.

**

Sila na kaya ? ^^ Wootwoot ! Demanding si Jake noh ? Sya na nga nagtatapat uutusan pa si Jade xD
Kilig Vibes ! :)

© GirLirpa

[TTHS #1] He is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon