§Entry 29§

149 4 0
                                    

Entry 29 - Blood

[Jade's POV]

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala pumayag nalang ako na magpahatid kina Migs. Sana pala hindi nalang ako nakinig sa usapan nila. Sana nung una palang hindi nalang nakipaghalubilo sa kanila. Baka sakaling hindi ako ganito. Baka hindi kami ganito. Baka wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Baka hindi nasaktan si Migs tulad ngayon.

"Migs!!!" kaagad akong tumakbo palapit sa kanya. Masyadong magulo ang paligid dahil sa pagsusuntukan ng dalawang grupo pero wala na kong pakielam pa sa kanila. Si Migs! No! Hindi to pwede.

"Migs.. No.." pinilit kong takpan ang sugat niya sa tagiliran. Kung kelan malapit na siya tsaka pa to nangyari. Bakit ganoon?

"J-jade.. A-re you okay?" sa kabila ng tinamo niya ako pa din ang inintindi niya. Mas lalo akong naiyak at tumango.

"Bakit? B-bakit?" bakit ba kailangang may nasasaktan?

He smiled," I told you I'll protect you no matter what." at pagtapos nun ay unti-unti niyang ipinikit ang mata niya.

"No.. Migs..wag kang pumikit."

Dumating bigla sina Jake..

"Jade.."

"Jake si Migs.." wala akong magawa kundi ang umiyak lang. Hinatak niya ako palapit at kinulong sa bisig niya.

"Sssssshhh. Don't worry, we'll take you to the hospital."

I gave him a faint smile as my consciousness slowly fades away. Everything went blank.

***

"Huhuhu Jade, wag mo akong iwanan. Baka nakakalimutan mong wala ka pang project sa arts. Lagot ka kay ma'am, kailangan mong gumawa nun. Kaya please.." boses ni Cindy ang naririnig ko. Kahit kelan talaga ang bruha na yun ang ingay ng bibig.

"Ang tagal mo namang gumising Jade, sina ba iniintay mong humalik sayo? Si Jake?" automatic na napadilat ako sa sinabi niyang yun. No way no!

"Kadiri ka Cindy-- Aww! " babatukan ko sana siya kaso sumakit yung braso ko. May sugat pa nga pala ako. Inikot ko ang tingin ko sa paligid, nasa ospital pa pala ako. Teka..

"Migs.. Si Migs?" biglang akong tumayo.

"OA! Jade ha! Nandun siya sa kabilang kwarto. Grabe, ang takaw mong matulog no? Nauna pa siyang magising sayo eh." nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast he's okay.

*KKRRRRUUU~*

Napahawak ako sa tiyan ko.

"Pffft- nagwawala na ang mga bulate mo sa tiyan. " pang-aasar ni Cindy sa akin.

"Tss. Wag ka nga! Pahingi ngang pagkain diyan." sabi ko.

"Diyan oh, mamili ka nalang. Tss may kamay naman eh." maarte nitong sabi sabay baling ng ulo niya sa cellphone niya.

"Aba't -!! Hoy Cindy!!" sigaw ko sa kanya. Langya to ah! Kita niyang injured yung kamay ko eh.

" May katext ako wag ka nga!" sabay talikod sakin, upo sa sofa at taas ng paa. Walanjo! Feeling donya!

Tss. Hindi na ako nakipagtalo pa. Tiningnan ko nalang yung mga nakahilerang pagkain sa lamesa. Puro prutas. Tss.

"Ano ba to! Wala man lang bang Pizza or something?" kasi naman gutom ako tapos eto lang yung pwedeng makain?

"Edi bumili ka." tipid na sabi ni Cindy sa akin habang nagce-cellphone pa din. Binalibag ko nga. "Ewan ko sayo!"

In the end kinain ko nalang din yung pagkain dun. No choice kesa naman magutom ako. Bandang hapon na nang napagpasyahan kong palayasin si Cindy. Wala din namang siyang silbi dito eh.

[TTHS #1] He is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon