Entry 33 - Again
[Jade's POV]
"Ikaw yung misteryosong lalaki?"sabi ko sa kanya.
"Yeah , and I'm here to protect you Jade"saad nya sa akin.
Matipuno sya , Matangkad , May matangos na ilong , Mapupulang labi , Katamtaman ang kulay. Masasabi kong gwapo sya.
"Kailanman , Hindi ko sila hahayaang saktan ka. Ako ang magliligtas sayo pag nasa panganib ka , Huwag ka magalala. Pag yakap na kita , Ligtas kana"at ngumiti sya sa akin.
Napakatapang nya , Para iligtas ako. Hinahangaan ko sya sa taglay nyang tapang at pagiging sinsero.
"Thank you for saving me. Mr. ?"
"Jake Vincent Natividad"At siniil nya ako ng halik.
Nagising ako bigla , nanaginip ako tungkol sa kanya. Si Jake at yung Lalaki ? Iisa daw ? Tch. Weird.
Kinilabutan ako dun. Akala ko totoo na , di pala. Hayss. Tinignan ko yung Orasan sa may mini cabinet na katabi ng Kama ko.
3:45 am. Ang aga pa. Hindi na ako makatulog kaya napagpasyahan kong manuod nalang ng TV.
At dahil alam kong wala pang palabas ngayon , kaya nanuod nalang ako ng mga Cartoons.
Hindi ako nakatagal sa panunuod dahil nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ko. Dahilan para makatulog ako.
After couple of hours
*Boogsh!!*
Nagising ako ng mauntog ako sa Headboard ng kama ko. Nakatulog pala ako.
"Ouch ! Ahh ang sakit. Anu bang Oras na ?"Sambit ko. Habang hinihimas ko ang Noo ko. Sana di magkabukol.
Tinignan ko ang Orasan sa gilid ng kama ko. Oh Sh*t !! 9:30 am na?!! Nagsimula akong mataranta. Teka , Nasan ang Cellphone ko ?!
Nagtatatalon na ko sa kama. Para makita yun. Pero wala. Sh*t !! Wala. Sinilip ko sa ilalim ng kama. Ayun ! Nakita ko na. Agad kong kinuha at Inopen. Dead batt pa bwiset !
Agad akong tumakbo sa CR. Ayy teka , Ichacharge ko pala ang Cellphone ko. Argh !!! Nalilito na ko !! Pagkatapos kong icharge ang cellphone ko. Tumakbo ako sa CR.
Napatingin naman ako sa TV. Umaandar iyon, Agad agad akong Tumakbo sa saksakan at dali daling binunot ito.
Napatigil ako sandali. Hinihingal akong lumapit sa Salamin. Gulo ang buhok ko , Dahil sa frustrations at taranta ko. Pawis , Dahil sa pagmamadali ko.
Kalma Jade. Late ka na , Wala ka ng magagawa dun. Tanggapin mo na. Phew ! Napa buntong hininga ako ng malalim. At dahan dahan na tinignan ang Buong kwarto ko.
Makalat ? √
Magulo ? √
Tinignan ko ulit ang orasan sa gilid ng kama.
10:02 am . Great ! Just Great !
"Arrghhhhhh !!!!!"
***
I'm on my way to School now. At kasalukuyan akong nagtatali ng buhok dahil sa init. Nakakahiya mang sabihin pero habang nasa daan ako ay nagaayos ako ng sarili ko. Kanina nga eh , nakalabas ako ng bahay na may tuwalya sa ulo. Tch.
Tapos naiwan ko ang cellphone ko , kaya binalikan ko pa. Hayy. Nakakasar. Kaya pala nalate ako kanina dahil umalis pala si Mom kanina. Nagiwan sya ng sticky note sa Ref. Business meeting daw. Tsk.
Nasa tapat na ako Gate. Papasukin kaya ako ? Baka hindi , Pero sayang naman ang effort ko pumasok diba ? Papapasukin ako nyan. May mga nagcucutting nga eh.
Pinunasan ko ang oily at pawisan kong mukha gamit ang panyo at lumunok. Kaya mo yan Jade. Be nice and smile , Derederetcho lang.
Taas noo akong dumaan sa harap ng guard. Ningitian ko lang sya. Kumunot naman ang noo nya. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya ay sinita na nya ko.
"Hoy ! Late ka !!"Hinahabol nya ako at tumakbo naman ako. Hindi nya ako agad mahahabol dahil matanda na yun.
Lunch na pala. Kaya lahat ng Studyante ay nasa Canteen. Sakto walang teacher. Tumungo ako sa Room namin. Medyo natagalan ako ng konti dahil sa bugsuan ang tao. Marami akong nakakasalubong puro mga kaklase ko yung iba naman , ibang section at ibang year.
Nang marating ko ang Room namin. Dali dali akong tumapat sa Aircon. Wala akong pake kung sino ang mga tao sa room. Ah ! Basta mainit !
"Ineeeet !!!!"Sigaw ko.
"Kakapasok mo lang Jade ?"Ervin
"Yeah , Late ako nagising"sagot ko habang naglalagay ng powder sa mukha at leeg ko.
Pakiramdam ko , gumaan ang feeling ko nang makaramdam ng lamig.
"Hmm. Nice hair style"komento nya sakin. Siguro dahil ngayon nya lang ako nakitang nakatali ang buhok.
"Thanks"Inabot din ako ng 5 minutes sa tapat ng Aircon. Kung nandito si Ervin. Edi nandito din sya ?
Tumingin ako sa tabi ni Ervin. Pero wala sya dun.
"Lumabas si Jake , Kakalabas lang"sabat ni Ervin.
Inirapan ko sya"Di ko tinatanong"Nagmartsa ako palabas ng Room. Narinig ko pa syang tumawa.
Di pa tapos ang Lunch break , Dahil dagsa pa din ang kumakain sa Canteen. Siguro sa Garden nalang ako tatambay.
Bago ka makapunta sa School Garden dadaan ka sa field. Sa gilid nalang ako dumaan para di makaabala sa mga naglalaro. Kung meron man.
Tahimik akong naglalakad sa gilid nang may tumamang bola ng baseball sa binti ko. Bahagya naman akong napangiwi dahil masakit ang pagkakatama sakin.
Pinulot ko iyon at tumingin sa gawi na pinanggalingan nito. May mga naglalaro , Hahakbang na sana ako palapit sa kanila para ibalik ang bola.
Pero ngumiti silang lahat sakin. At syang pinagtaka ko. Bigla silang pumulot ng bola nila at pinagbabato sakin.
Di na ako nakapagisip ng mga oras na yun. Ginamit ko ang dalawang braso ko para takpan ang mukha ko. Para sa mga paparating na bola.
"Aray!"Daing ko. Madami silang bolang binato at pinalipad papunta sa direksyon ko. Magkakapasa ako nito eh. Buti sana kung magaan ang bola kaso hindi ! Mabigat ito kaya kapag tumama sayo to ay mapapa aray ka talaga.
Natamaan ako hita , binti , braso , tyan at kung saan saan pa. Masakit na talaga. At isang bola ang nakatama sa Dibdib ko. Dahilan para mapaupo ako at isang bola din ang tumama sa Ulo ko. Saka sila tumigil sa pagbato sakin.
"A-aray."Dumodoble ang paningin ko nang may makita akong imahe ng isang lalaki.
"Hindi ko hahayaang saktan ka nila Jade. Ligtas kana"
Huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.
***
Update again :) Keep on Reading ^_^
XOXO.© GirLirpa