Entry 45 - Talk
[Jade's POV]
Umalis sya , Umalis sya na may ngiti sa mukha nya. Na parang okay lang ang lahat.
Nasasaktan ako sa pinapakita ni Migs. Syempre kaibigan ko sya , Naging sandalan ko din naman sya. At bilang kaibigan nya. Nagaalala din ako sa kanya.
Tumayo ako , Pero may pumigil sa kamay ko. Si Jake , Oo nga pala katabi ko sya.
"Kakausapin ko lang si Migs"sabi ko sa kanya.
Tumayo din sya"Sasama ako"hindi pa ako nakakapagsalita ay hinigit na nya ako papunta sa dinaanan si Migs.
Ang hilig nyang manghila ah ? Nakakainis na talaga. Nagpupumiglas ako ng makita si Migs sa harapan ko.
Tinablan naman ako ng hiya kaya umayos naman ako ng tayo. Binitawan naman ako ni Jake.
"Magusap na kayo. Nanjan lang ako"sabi nya tapos umalis. Mabait din naman pala sya.
"Kamusta ?"Panimula ko.
Ngumiti naman sya"Heto , Nasasaktan"tinamaan naman ako sa sinabi nya.
Lumunok ako"Okay ka lang ba ?"
"Oo naman , Okay ka. Kaya okay lang ako"
"Bakit parang nagiba ka na ?"
"Hindi ako nagiba Jade. May mga bagay lang talaga na nagiba"Napatingin naman ako sa kanya agad.
Tahimik lang syang nakatitig sakin. Seryoso sya , Hindi sya yung Migs na masayahin , maloko at palabiro.
"Bakit ? Bakit ganyan kana ? Ano bang ginawa ko sayo para ganituhin mo ko ?"Bakit ba sya sobrang makasalita sakin ? Wala naman akong ginawa sa kanya ah ?
"Bakit ?"tumigil sya sandali"Masakit sakin Jade. Masakit sakin na hindi ako yung nakakapagpasaya sayo , Masakit sakin yung hindi ako yung dahilan ng mga ngiti mo"Bumuntong hininga muna sya"Mahal kita Jade. Kaya masakit sakin yung nakikita ko , Gustuhin ko mang itago to. Pero tang*na ! Hindi ko kaya eh. Hindi ko kayang itago yung sakit , Kasi pag tinago ko baka sumabog lang ako"
Hindi ko namalayan pumatak na pala ang luha ko. Ganun nya ba talaga ako kamahal ? Tss.
Ang malas nya kasi hindi ko kayang ibalik sa kanya yun. Kaibigan lang talaga kasi eh. Wala nang hihigit pa dun.
Pinunasan ko ang luha ko"Bakit a-ako pa ?"at nagsimula na akong humikbi.
Lumapit naman sya at pinunasan ang luha ko"Hindi naman natuturuan ang puso Jade. Kung kanino sya tumibok sya na yun. Kaso sayo sya tumibok eh. Wala akong magagawa dun"
Hinalikan nya ako sa noo. At idinikit nya ang noo ko sa noo nya"Kung masaya ka na. Susubukan ko magpakasaya din. Para naman makalimutan na kita at para naman pareho na tayong masaya."
"Sana maging masaya ka. Sana mahanap mo na ang babaeng para sayo."
"I love you Jade"saka lumayo sya at umalis na.
Naiwan ako dito na nakatayo magisa at parang wala sa sarili. Naramdaman ko na may yumakap sakin galing sa likod ko.
Mas lalo tuloy akong napaluha."Shhh. Magiging okay din ang lahat. Stop crying Wifey"
***
Awwts :(( ang hirap itype nito. Ang lungkot shemps ! Nga pala Guys ! Abangan nyo ang book 2 ha ? At suportahan nyo rin yun :) Thank you !
© GirLirpa