Entry 52 - Confirm
[Jade's POV]
"Jade ? Saan ka galing ? Bakit ka umiiyak ?"Nagaalalang tanong ni Mama sakin. Pero Tinignan ko lang sya. Hindi ako kumibo sa kanya. Sa halip ay inipit ko sa likod ng tainga ko ang takas na buhok sa mukha ko.
"Totoo ba Ma ?"sandali akong tumigil dahil hindi ko maiwasang hindi maiyak , lalo naaalala ko ang pagkamatay ng Ama ko."Na si John Natividad ang pumatay kay Daddy ?!! Sumagot ka ?!! Tama ba ang sinabi ko ?!! Sabihin mo ?!!"
***
[Jade's Mother's POV]
Flashback...
Kilala sya bilang isang magaling na manlalaro sa Underground. Nakilala ko sya dahil magkaschool mate kami noong araw.
Misteryoso at Mabait si Jerald. Kaya naman mabilis nahulog ang loob ko sa kanya.
Araw araw , sinusundan ko sya. Lahat inaalam ko sa kanya. Ultimo mga paborito nya alam ko. Oo , stalker na nga marahil ang maitatawag sakin.
Hanggang sa nalaman kong isa syang Underground Fighter. Sinundan ko sya nung uwian at yun ang unang pagkakataong nakita ko syang lumaban.
Humanga ako ng husto sa kanyang angking galing sa pakikipaglaban. At dahil nga sa gustong gusto ko sya , Simula ng araw na yun. Napagdesisyonan kong magpalakas at magtraining para lumaban sa Underground para makasama ko sya.
Sumasali na rin ako sa mga laban. Napapanuod nya ako. Tuwang tuwa ang mga tao kapag nananalo ako , pero para sakin ? Isa lang ang ibig sabihin nun. Makakasama at makikita ko pa sya.
Umabot din sa punto na naging magkalaban kami. Nanginginig ang kalamnan ko dahil nasa harap ko sya at malapitan kong nakikita ang gwapo nyang mukha.
Naging magkapareha din kami dati at doon nagsimula ang lahat. Minahal namin ang isa't isa , Ang dahilan kung bakit nagpasya kaming bumuo ng pamilya.
Mula ng pinagbuntis ko si Jade. Hindi na kami bumalik pa sa Underground. Dahil gusto naming maging normal at magkaroon ng tahimik na buhay si Jade.
Pero hindi umayon ang tadhana sa ninais namin ni Jerald. May pasok ako sa trabaho nun at ginabi ako nang uwi.
Nagagalak akong umuwi dahil sa wakas. Makakasama ko na sila at makakapagpahinga na ako. Pero nung nakauwi na ako at lumabas sa sasakyan ko.
Laking pagtataka ko ng makitang bukas ang gate namin at ang Main door ng bahay. Bigla akong kinutuban sa nakita ko.
Isang magulong sala ang inabutan ko, puro sira ang mga gamit namin. Nanggigilid ang luha ko sa nakikita ko. Agad akong nataranta nang marinig ang malakas na iyak ni Jade.
Gumuho ang mundo ko ng makita si Jerald na nakahandusay sa Sahig ng kwarto namin. Napatingin naman ako kay Jade na nasa sulok at iyak ng iyak at nagsisisigaw ng 'Daddy!!'
Tinawagan ko ang kaibigan kong si Marion. At pinapunta dito para madala si Jerald sa Ospital. Hinagkan ko ang anak ko. Naaawa ako sa kanya dahil ang bata nya para masaksihan to.
Ilang araw kaming namalagi sa Ospital pero namaalam din sya. Inimbestigahan ko ang nangyari sa Asawa ko. At nalamang si John Natividad ang nagutos nun ayon sa mga tauhan nyang nahuli ko.
Si John ay matindi naming kalaban , MapaUnderground man o hindi. Gusto nyang matalo at mapatay si Jerald para makuha nya ang Rank #1.
Kaya naisip ko na talunin si John sa Business. Paghihirapin ko sila na masahol pa sa Daga. Dahil hindi ako pwedeng magsumbong sa pulis dahil tyak na may galamay sya doon kaya masasawalang bahala yun.
Pero pinagpaplanuhan ko ang pagpatay sa kanya. Para makuha ang hustisya na hindi nakuha ng Asawa ko.
At hanggang ngayon. Hindi ko sya patatahimikin hangga't hindi ko sya nailalaglag sa impyerno.
***
[Jade's POV]
Halos gumuho ang mundo ko matapos marinig ang kwento ni Mama.
"So , Totoong sya nga ang pumatay kay Daddy ?"
"Oo. At alam ko ring anak nya si Jake."
"Pero bakit mo sya hinayaan ?!"Alam nya pala bakit hindi nya sinabi sakin.
"Dahil ang plano ni John ay ang patayin tayo. Dahil isang malaking bara tayo sa buhay nya. At si Jake ang inatasan nya dun. Pero ang hindi nya alam nahulog ang anak nya sa sariling patibong na ginawa nila."Huminto sya sandali"Anong plano mo ?"
Hindi ako nakasagot agad. Ano nga ba ang plano ko ngayong alam ko na lahat? Napangisi ako sa naisip ko.
Walang awa nilang pinatay ang Ama ko. Kaya para sakin , hindi sila nararapat para bigyan ng awa. Mamamatay tao sila , Kaya dapat silang mamatay.
Tinignan ko si Mama saka pinagtagpo ang mata namin. At mariin kong sinabing"Papatayin ko sila ng walang awa"
***
Awtsuuu. Huhuhuhu 1 Chapter to go at Epilogue na. :'( Thanks for Waiting. Lovelots :*
© GirLirpa