Entry 4 - Ouch !
[ Jake's POV ]
Pumasok kami sa room ni Ervin. And nakita naming sila.Tumingin ako sa kanya then , nagsmirk ako. Naunang umupo si Ervin sa kabilang dulo. Sila kasi ung nasa kabilang side eh.
Bago ako umupo nilapitan ko sya mukhang nagulat sya. Nilapit ko mukha ko sa kanya. Then , I whisper to her.
"Welcome to the Hell"Then , umalis na ko. Tumabi na ko kay Ervin. Lumingon ako ulet sa kanya then nag wink ako. Hahahaha nagulat sya sa ginawa ko.
"Ano nanamang pakana yun ?" Ervin
"Interesado ako sa kanya , kakaiba sya sa mga girls dito. palaban sya , di tinablan manlang ng charms ko , Matapang , Tomboyin na ewan in short Kakaiba sya. kakaiba talaga sya I want her to know more"Ewan ko tibo ata yun eh.
"And how ?"Ervin
"Malalaman mo rin"Ako
Then , pumasok na ung mga kaklase ko. Ang ingay , ang gulo gulo mga naglalapitan ung lahat ng babae samen dalawa ni Ervin. Well, Except For the two girls in the last row cnu pa ba edi ung babaeng yun.
Lahat ng girls nilalandi kami pero syempre di kami pumapatol sa kanila noh ? Maya maya may pumasok ng teacher agad agad silang nagsibalikan sa mga upuan nila tss.
"Good Morning Class"
"Good Morning Ma'am ?"
"Monteverde"
"Good Morning Ma'am Monteverde !"
"Ok , Take your Sits"
Umupo na kaming lahat. Nakikinig sila. Ako walang balak.
"Ok. So , I'm your Teacher in Blah Blah Blah Blah Blah"
Nakakawalang gana makinig dito ang boring boring dito. Lumilipad nanaman ang utak ko. wala akong kaalam alam sa nangyayari bigla nalang ako siniko ako ni Ervin.
"Oh ? Bakit ?"ako
"Anong 'oh ? bakit ?' ikaw na kaya" Ervin
"Anong ako ?"ako
"Basta tumayo ka nalang"Tulad ng sinabi nya tumayo nalang ako
Ahhh , Ok gets ko na magpapakilala pala.
"Hi I'm Jake Vincent Natividad. 15 Years old"Atsaka umupo na ko agad.
"Hi I'm Ervin James Villafuerte. 15 years old"Pagkatapos nun sunod sunod na. Then , Sya na. Of course makikinig ako.
"Hi I'm Jade Saavedra. 15 years old" Jade hmmm. Simple lang.
"Okay ! Since nagpakilala na kayong lahat. Igugroup ko kayo into 5. So start counting"Ma'am
So nagsimula na silang magcount. 5 ako , Si Ervin 1. Then , Sakto 4 ung friend nya tapos sya pang lima. Maganda to. Gugulohin ko sya * Insert Evil Smile *
"Okay. Guys , The group 1 here , The group 2 , group 3 , group 4 and then , the group 5. I'll be giving you 5 minutes to talk your group mates. Be friendly guys"Ma'am. Ok then , Start na ko.
"He-"
"Hi Jake I'm Mara"
"I'm Denise"
"And-"
"Don't Talk to me"Epal kasi ehh. Hindi ba nila nakikita na busy ako ?
"But-"
I give her a Death glare. Sabi nang ayaw ehh. Nangungulit pa. Iinisin ko pa sya ehh.
"Hey. I'm Jake"Panimula ko.
"Andito ka nanaman ba para asarin ako ?"Hu ! Parang tigre ah ? Tapang.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko"Ow ! No. Nandito ako kasi kelangan at di ko kasalanan kung ka group kita"paliwanag ko
"Psh ! Di ka pa ba kuntento ? Nainis mo na nga ako kanina eh"
"Actually , Hindi pa"
"How dare you !"
"I love you too"sagot ko na mas lalong kinainis nya.
"Eww ! Are you crazy ?"
"No , I'm not"
"Tsk !"
Pipisilin ko nga sya sa Pisngi. Wala lang gusto ko lang sya maasar sakin. Gustong gusto ko talagang naaasar sya.
"Ouch !!!"Napasigaw sya nang malakas. Napatingin sa kanya mga kaklase namin. Then , Tumayo sya. Tumingin sya sakin ng Masama. Ngumiti ako. Hahahahahaha ganyan nga.
"Tumayo ka"Sabi nya sakin. Then , tumayo ako.
Napasigaw ako sa sakit ng ginawa nya"Ouchhhhh !!!!!!!"Sinipa nya yung *toot* ko. Ang sakit !!! Tang*na !
"IYan ang bagay sayo"May araw ka rin sakin !!
"Jade !"friend nya.
"Pre , Are you ok ?"
"Isn't it obvious "Habang namimilipit sa sakit. P*tang babaeng yan.
"What's the meaning of this ?!"Ma'am.
"Ma'am kasi inaasar nya ko."Paliwanag nya
"Let's go to the Principals Office ! Doon kayo magpaliwanag"
***
[Principal's Office]
[Jade's POV]
Anu ba yan ! First day na First day. Nasa Principal's Office agad ako. Patay ako kay Mom nito. Kasi naman eh.
"Ikaw ! ang may kasalanan kung bakit tayo andito"
"Aba ! Ang kapal ng mukha mo. Kung sana hindi mo ko kinurot. hindi sana wala tayo dito ngayon diba ?"Ungas pala to eh. Sya nangunguna tapos ako sinisisi ?
"Kung di mo kasi sinipa yung *toot* ko. Hindi sana di tayo nandito"
"Aba ! Hoy ! Ikaw nangunguna jan"May saltik ata to eh.
"No , Ikaw !"
"Ikaw !"
"IKAW!"
"IKAWWWWW !!!"
"ENOUGH !!"Naloko na ! Yari ako.
Tumahimik kami ngayon. Kasi nga nagagalit na yung Principal. Alangan namang tumawa pa kami.
"Sa ngayon , Warning palang to ah ? Sana hindi na to maulit pa. Are we clear ?"Mrs. Principal
"Yes"Kaming dalawa.
"Okay. Go back to your room now!"
Then , Bumalik na kami naman. Epal kasi to eh. Kung hindi nya ko inasar di sana wala kami kanina sa Principal's Office.
"Sana hindi mo na ulitin yun"humarap ako sa kanya. Tinignan ko sya ng masama. Loko talaga to. nakangiti pa sakin ang kapal !
"E---"hindi nya ako agad pinatapos.
"Hep ! Hep ! baka sipain mo nanaman ako ah ? Tama na ayoko na masakit na"pagsuko nya.
"tsk ! Kung hindi mo kasi ako inasar di -"
"oh ? Walang digmaan dito kalapit mo lang ako. Baka pwedeng pakihinaan yang boses mo at kumalma ka nakakahiya sa mga tao. pinagtitinginan tayo"nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Tama nga sya pinagtitinginan kami ng mga tao.
"k ? PAANONG DI AKO MAAASAR -"
"Oh ? Kalma lang sabi eh. Nandito lang ako. Nanjan ka lang magkaharap lang tayo"
"Hay. Wag mo na kasi akong pagtripan at asarin"
"Kasi naman. Ang bilis mo magalit agad eh. Kaya trip kita"
"Ganun ? Pwes ! Wag mo kong pagtripan. ok ?"
"Ayoko nga"
"Hay ewan. Bahala ka !"
***
Ahm Yan po ang idinighay ko ^o^v , Hahahaha
©GirLirpa