Entry 41 - Sembreak
[Jade's POV]
"Monday , Monday , nakakatamad? Ayoko , Ayoko , pumasok. ~ Hayss"Nagiimbento nalang ako ng kanta. Mukha akong timang sa harap ng salamin. Tsk tsk. Nakakatamad kasi eh!!
Nakaayos na nga ako eh. Okay na lahat. Ako nalang kulang. Nakakatamaaaad ~ Promise.
"Tingting , Tingting na makulit ?Kanina , Kanina ka pa late. ~"Sinamaan ko ng tingin si Jake. Hindi ko sya napansin jan. Siguro kanina pa sya jan.
Nagkamot naman sya"Ano ba kasi nakakatamad ? Bitin ka ba sa weekends ?"Lumapit sya sakin.
Bumuntong hininga ako. Ngumisi ako. Alam ko na !! May pampagood vibes na ko. Hahahahaha
"Ayoko ng ganyang ngiti mo. Alam mo ba yun ? Nakakatakot ka."Sabi nya.
"Bakit ? Kakantahan kita Hubby. Maganda to ! Papasok ako promise ! Pakinggan mo lang."Sabi ko.
"Fine"Pagsuko nya. Sabay pulupot ng braso nya sa bewang ko.
"Ehem! Japoy , Japoy mukhang Daga?Malaki , Malaki ang Tenga !!"Pagkasabi ko nun. Hinampas ko sya ng bag sa mukha. Para maalis ang braso nya sakin. At nag tatatakbo pababa.
"Jade ? Bakit ka t---"Mom.
Nagmamadali akong humalik sa pisngi ni Mama"Babye Ma !!"Nakita ko si Jake. Pababa ng hagdan.
"Alis na po kami !!"Paalam nya. Hindi ko na sya nilingon. Dali dali nalang ako pumasok sa kotse nya at umupo sa front seat. Kahingal.
Pumasok naman sya sa loob ng kotse. At kinutusan nya ko."Tang*na ! Daga masakit ah ?!"Ang sakit. Bigat ng kamay.
"Nakakailang lait kana sakin ah ? Namumuro kana Tingting. Sinasabi ko sayo , Gagawin kitang walis pag ako nainis mo"
"Ha-ha-ha tatlong tawa para sayo. Para i love you kahit walang kwenta joke mo"Sabi ko.
Pinaandar nya ang sasakyan"Ha-ha-ha-ha. Pangit mo ! Ayan apat na tawa para i love you too"At nagdrive.
Ganito ang ikot ng relasyon namin. Purong kagaguhan lang lahat , hindi kami yung seryoso sa ganito. Hindi kami PDA , Hindi kami sweet. Bihira lang samin yun.
In short , para lang kaming magbarkada. Pero seryoso kami sa feelings namin. Magulo kami lagi. Asaran dito , asaran doon. Para sakin hindi na Hubby at Wifey ang endearment namin. Kundi Daga at Tingting na.
Hahahahaha napangiti nalang ako sa iniisip ko. Pwede ha ? Isusuggest ko sa kanya yun. Wahahaha !
"Oy ! Ngumingiti ka jan magisa ? Baliw kana ba ?"Tanong nya. Malapit na kami sa School.
Umiling lang ako"Hindi , Naiisip ko lang kung anong itsura mo pag nahuli ka sa mouse trap"Sabay tawa ko.
"Patawa ka talaga. Tara na Pasok na tayo"Pagaaya nya. Sus ! Alam kong iniiwas nya ang usapan tungkol sa tenga nya.
"Oy ! Tenga !"Lumingon naman sya. Wow ! Nasanay na sa Tenga ah ?
Binigyan nya ako ng matalim na tingin. Hahaha"Bakit Tingting ?"Sya namang kinasimangot ko.
"Mas okay pa yung asar ko sayo eh. Yung akin ! Ang panget ! Hustisya ?!"Sigaw ko.
Lumabas na kami ng kotse. At naglakad papuntang room."Ano bang kasalanan ni Hustisya at hinahanap mo sya ?"sabi nya. Minsan naisip ko bakit ko naging boyfriend to ? Matalino naman ako ? Pero eto ? Ubod ng katangahan.
"Try mong ijoke yan sa mga tanga Jake. Tatawa sila promise!"
"Loko ka ah !"sabay kurot ng ilong ko.
"Mashaket ?!!"Binitawan nya naman. Kinuha ko ang Cellphone ko at ginawang salamin yun. Sh*t namumula ?!!
Hinampas ko sya sa braso nya"Daga ?!! Look what you've done to my nose ?! Namumula sya oh ?!!"Tumawa lang sya ng malakas.
***
Nasa classroom na kami. At Nagiingay ang lahat. Ang adviser naman namin. Parang walang paki. Ayy , Jusko pala.
Si Cindy ? Nag faflappy bird. Si Jake ? Nakikipagkwentuhan kay Ervin. Ayy oo nga pala katabi ko na sya. Ako ? Hmmm. Nanunuod sa Teacher ko kung paano maubusan ng laway kakasalita. Hanep diba ? Daming supply ng laway.
"Class !!!!"Napatigil naman ang lahat. So ? From the top nanaman sasabihin nya.
"Next week na ang Sembreak nyo---"
"Mam naman ! Kanina mo pa sinasabi yan eh !"Dabog ng isa.
Lumingon si Cindy sakin saka ako pinagaaalog"Oh My ! Next week na pala ang sembreak natin ?! Gosh ! Sa wakas makakapagpahinga na ang utak ko"Sabi nya.
Tinignan ko nalang sya"Kanina pa sinasabi yan. Bingi ka ba ?"
"Ahhh"Napa tango tango sya"Guys ! Over night tayo ? Ano game ?"Naexcite kami sa sinabi nya kaya kaming tatlo ay napaOo agad.
"Saan naman ?"tanong ko. Hindi naman pwede samin. 3 rooms lang eh. Atsaka abala pa , Magugulo pa ang bahay.
"Sa amin. Of course ! Wala ang parents ko next week. Pupunta silang London for business. Kaya naghahanap ako ng kasama ?!"
Napakamot naman si Ervin"Tayo lang ? Korny naman Apat lang"
"Isama nyo sila Migs ?! Para masaya"
"Sige sige."Owww
***
Happy 2k reads Gangsters ! ^_^ Keep on reading ha ? Aja ! Sino taga Bulacn State University dito ? :)
© GirLirpa