Entry 10 - Weh ? Di nga ?
[Jake's POV]
Uwian na at Andito ako ngayon sa may gate. Inaantay ko si Jade lumabas. Naisip ko kasi na ngayon na kami magpractice.
"Yo ! Jake !"Migs
"Yo !"Bati ko rin
"Sino hinihintay mo ?"Naku di ko pwedeng sabihin gagawa nanaman to ng issue eh.
"Ahm .... Si ....."Anong sasabihin ko ?
"Si Jade tama ?? Hahaha Don't tell me Type mo sya at Magcoconfess kana sa kanya ? hahaha"See ?Sabi sa inyo eh.
"G*go hindi. Asaness ka Boy"
"Weh ?? Di nga??"Habang tinutusok tusok tagiliran ko. Yung totoo ? Lalaki ba sya ?
"Anu ba yan Migs! Tigilan mo nga ko. Yun Type ko ?? Sayo na yun kung gusto mo ?!"Sabi ko
"Wag kang defensive masyado Dude Nahahalata ka eh hahaha"Siraulo to ah?
"Ako ?? Kwento mo sa pagong"Akmang aalis na sana ako ng pigilan nya ko.
"Woah ! Wait wait. Sandali lang"Tss.
"What ?!"Naiinis na ko eh. Ang kulit
"Chill lang Dude"Paligoy ligoy tong taong to eh.
"Anu ba sasabihin mo ?"Tinaasan ko pa sya ng kilay nyan ah ? Nakakairita na kasi eh.
"Type mo ??"Sabi na eh. Walang sasabihing matino to!
Napahilamos nalang ako ng mukha"Si Jade ?! Hindi nga sabi eh. Kulit mo Tol ?!"Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Bakit ka Defensive ??"
"Hindi ah ?!"Nababaliw na ko. Paano ko ba naging kaibigan to ?
"Weh ? Di nga??"
"Tsk ! Ilang be---"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumating si Jade.
"Hey! Whats Up ? Bakit ka Sumisigaw Jake ??"While staring at me.
"Nothing. Nga pala ngayon na tayo magpractice para sa Mapeh."At saka naglakad paaalis sa kanila.
[Migs' POV]
Umalis na si Jake. Natira kami ni Jade. Nagtataka kami kung bakit ganun ang asta ni Jake. Nakakapanibago , Pero hindi ako naninibago sa pagiging masungit at mainitin ng ulo nya.
"Problema nun ??"Jade
"Hindi ko alam"Sagot ko tapos ngumiti ako.
"Ahm. Sige Migs una na ko ah ? Sundan ko na si Jake. Baka magalit sakin eh."Sya."Alam mo na High Blood sya"Saka humagikgik.
"Susunod ka ba o susunod ka ?!!"Sigaw ni Jake sa kanya.
"Oo. Nanjan na !!!"Sigaw niya pabalik."Sige Migs. Babye !!!"
"Sige. Bye"At nag Wave ako sa kanya
Sana , Totoo yung sinabi mo Jake na wala kang gusto sa kanya. Dahil Ako ? I think I'm falling for her na. At ayaw kong pagdating ng panahon , Na tayong magkaibigan ay naging magkaribal sa kanya.
[Jade's POV]
"Uy Jake ! Hintayin mo naman ako oh?"Ang bilis kasi maglakad eh. Laki kasi ng hakbang , Halimaw ata to eh.
"Tsk"Yun lang sagot nya.
Aba , Kanina pa ata mainit ulo nito ? "Galit ka ba ? "Ako, sabay kinalabit ko sya.
"Ano ba ! Tigilan mo nga ako !"Sumisigaw na po sya.
"Bakit ba kasi?"Naiirita na ko ah ? Napaka sungit. Ginagantihan ata ako sa ginawa kong pagsusungit sa kanya nung nakaraang araw eh.
"Kayo ni Migs. Pareho kayong makulit at ayoko sa mga makukulit"Tumingin pa sya sakin.
"Bakit nadamay si Migs ? Kung ayaw mo sa makulit. Bakit kaibigan mo sya?"Ayaw nya pala sa makulit , Bakit kaibigan nya si Migs?
"Ewan ko sayo !"Sya at nagtuloy sa paglalakad.
Hmmmm...I Smell something fishy. Huminto sya napansin nya atang walang sumusunod sa kanya. Hindi ako sumunod kasi nagiisip ako kung bakit.
"What ?"
Alam kong magiging awkward sa kanya kung itatanong ko yun. Dahil baka matakot sya na ipagsabi ko sa iba."May something ba kayo ni Migs ? Wag ka magalala hindi ko ipagsasabi sa iba. Promise"at ngumiti ako ng pagkatamis tamis.
Nagulat sya sa sinabi ko. Tama ako , Tama ang sinabi ko kaya sya nagulat. Alam kong inaasahan kong magulat sya.
Napa tango tanga nalang ako. Ang galing mo Jade ! Isa kang alamat ! Nahulaan mo ang pinakatatagong lihim ni Jake.
"Tanga ! Wala noh !"Depensa nya. Tsk tsk. Huli ka ! Napapaghalataan.
"Weh----"Hindi nya ko pinatapos pa.
"Weh ?? Di nga ?? Yan nanaman sasabihin mo ! Kairita yang salitang yan tigilan mo nga !"Hala Nabadtrip na. Magsumbong to kay Migs.
"Inaano ka ba ng salita ?? Hindi ka naman inaano eh"Tsk
"Magsama kayo ni Migs !"Sabay alis , Sumunod ako.
"Selos ka noh ? "Haha.
"Ako ?? ha-ha patawa ka. Hindi !"
"W-"
"Weh ?? Di nga ?? Tigilan mo sabi yan eh?!"Iniwan nya ko dito. At naglakad magisa.
"Okay"Sabay sunod sa kanya. Akala nya siguro nagseselos sya kay Migs kasi kasama ako. Halata namang nagseselos sya kasi mas nagandahan sakin si Migs eh.
Wag ka magalala Jake , Hindi ko sya aagawin sayo. Hihi.
***
Hohoho HB sya XD yaan mo sya Love love ^o^
©GirLirpa