Entry 39 - Caught
[Jade's POV]
Pagkatapos namin kumain ng tanghalian. Si Jake yung nagprisinta na maghugas ng Plato. Well , Ako tuwang tuwa pa dahil maghuhugas sya.
Si Mama ? Ayun. Todo pilit na wag na at ako nalang maghuhugas. Pero kagaya nga ng sinabi ko makulit ang lahi nito. Kaya hindi sya nagpatalo kay Mama.
"Bagay pala sayo yung apron noh?"Tatawa tawa kong sabi sa kanya.
Hahahaha. Paano kasi ang design ng apron ay Floral at kulay fushia pink. Hahahahahaha ang cuteeee ! Bagay sa kanya.
"Tsk. Tuwang tuwa ka pa. Wala bang ibang apron jan?"Pinanliitan ko naman sya ng mata.
"All girls kami dito remember ? Kaya anong pinaglalaban mo ?"Nagpiprisinta pa kasi tapos ngayon nagrereklamo.
"Yeah. Yeah. Whatever. Paano na gagawin ko dito?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Seriously ? Nagprisinta sya tapos di nya alam ang gawaing bahay ?"Nagprisinta ka tapos ako tatanungin mo kung ano na sunod jan ? Yung totoo ? Marunong ka ba o hindi?"
Tumigil muna sya sa paghuhugas"Hindi. May maids ako sa bahay , Kaya hindi ko kailangan gawin to."
"Eh bakit ka nagprisinta ? Tabi na nga ako na tatapos ! Jusmiyo ! Akala ko ikaw maghuhugas. Yun naman pala ako ang tatapos"Habang inaagaw ang apron sa kanya.
Napakamot naman sya ng ulo"Gusto ko kasi magpaimpress kay Mama eh. Ako na gagawa sabihin mo lang ano sunod"
Tinanggal ko ang tali ng apron sa likod nya. Kaya wala syang nagawa kundi ibigay sakin yun. Tsk
"Mama ka jan. Gusto mo bang maging kapatid ko ah ?"Hayy. Ako na nagtuloy ng ginagawa nya. Nakakaawa eh.
"Hindi ah! Balak ko maging manugang eh."Kumindat pa sakin"Nakachansing ka ah?"
Napatingin ako sa kanya at umiiling na tumatawa. Baliw talaga to"Ano ka chicks?"
Natawa naman sya"Hindi ah"Sabay yakap sa likod ko"Ikaw ang chicks , Kahit na payatot ka"
"Wow ha ? Salamat. Alis jan nang matapos ako agad"Umalis naman sya.
Habang tinatapos ko to. Wala syang ginawa kundi ang panuorin ako. Nangiti nalang ako. Hanggang sa natapos ako nakatitig lang sya sakin. Tinanggal ko naman ang apron na suot ko.
"Nakakailang ha ? Kanina ka pa nakatitig sakin"sabi ko.
Ngumiti sya sakin"Iniisip ko lang. Ganito din makikita ko sa future eh. Pero hindi mo ko pagsisilbihan , Dahil ikaw pagsisilbihan ko"Kumindat pa.
"Banat pa."Lumapit ako sa kanya. Hinapit naman nya ang bewang ko at nilapit ang mukha.
"Pag tayo nakita ni Mama. Humanda ka sakin"Babala ko sa kanya.
Ngumisi sya"Nakakalimutan mong boto sakin ang Mama mo , Atsaka wag kana mahiya. Ikakasal naman tayo din tayo eh."Hinampas ko nga.
"Isa lang kiss. Dali na"Ngumunguso pa. Napapailing nalang ako. Pero bago pa ko makareact sa sinabi nya.
Naglapat na ang aming mga labi. Nakapikit sya at dahan dahan akong hinahalikan. At pinadadama ang pagmamahal nya sakin.
Wala na akong ibang nagawa kundi ikawit ang dalawang braso ko sa leeg nya. At tinugon ang mga halik nya. Sino ba ako para hindi ipadama ang pagmamahal ko sa kanya diba?
Hinapit nya pa lalo ang bewang ko palapit sa kanya. Kung kanina dalawang kamay nya ang nasa bewang ko. Ngayon isa nalang , dahil ang isa ay nilagay sa batok ko.
Dahil dun. Mas napalalim pa ang halik nya sakin. Kenekeleg eke enebe.
"Kyaaaaaaaah !!!"
Napabitaw kami ni Jake sa isa't isa. Shet ! Si Mother dear ! Goshes ! Napalunok ako ng malupit ah ?
"Nakakainggit kayo anak. Galing talaga ng manok ko!"Akala ko galit, ligayang ligaya pa pala. Sus.
"Hahahahahahahaha"Tuwang tuwa pa.
"Sige na. Labing labing muna kayo ah ? Sinilip ko lang kayo kasi ang tagal nyo eh"Kumindat pa si Mama saka kami Iniwan. Tsk.
Napatigil ako sandali at napansin naman yun ni Jake."Oh ? Bakit?"
"Sabi ni Mama kanina. Aalis daw tayo ? Anong oras ba yun ?"
"Hindi na tuloy. Mas gusto kong dito nalang tayo sa bahay."
Napatawa naman ako. Loko talaga to.
***
Weeeeeeeh !!! ~ Huli ka balbon !!! ^_^ Mag Book 2 ba ko ? Hmmm.
© GirLirpa