2018, nang mabuo ang ating tadhana.
Sinong magaakala na ikaw at ako ay magiging magkaibigan
Ikaw ay tubig, ako ay lupa.Maraming nagsasabi paano na ang isang bato at tinapay ay nagkasama?
Langit man ay may pagdududa.
Oo nga, paano? paano?
O' kay daming katanungan.Lumipas ang isang taon, sabay tayong pumasok sa isang bilog
Sa isang bilog na kung saan tayo ay nakatagpo ng mas maraming mga kaulayaw at nakisayaw sa tugtugin.Habang, lumalalim ang gabi
Habang humahaba ang araw
Habang ang minuto ay nagiging orasAng dating ikaw at ako ay tumamlay.
Yung pagmamahal natin sa isa't isa ay nauwi sa dedmahan.
Yung dedmahan na talo pa natin ang mga tala sa sobrang pagiging mailap.Wala na rin ang mga ngiti sa ating mundo
Yung saya nung una kitang nakilala ay napalitan ng isang yelo.Yung nandito ako at nandiyan ka
Pero wala, wala, at wala pa ding nangyayari.Maraming nagbigay ng hinuha at nagsabi na "sinasabi ko na nga ba! Kailanman ang bato at tinapay ay di rin magtatagal tulad ng ating inaasahan."
Dahil sa ipinadama mo at pagiging yelo mo sa akin. Dalawang taon kita di inimik.
Hanggang sa dumating ang pandemya.
Pandemya na lalong nagpaliit sa ating mundo.Isang umaga, habang ako'y naghahanda ng almusal. Isang mensahe ang aking natanggap.
Mensahe na may nakalakip na isang pagbati mula sa iyo.
Bakit ka bumabati?
Para saan ang pagbating ito?
Bumabati kapa para muling pumasok sa aking mundo?
Bumabati kaba dahil wala kang magawa ngayong may pandemya.
Bumabati kaba kasi natauhan kana na sa akin ka pa din babalik?
Bumabati kaba upang pormal na natapusin ang mga masasayang aalala na ating ginawa ng unang araw tayong pinagtagpo sa ating unang tagpuan?
Ano? Ano? Ano? Sumagot ka?Sa dami ng mga tanong.
Bumaha ang iyong mga mata.
Walang salitang makakapagpaliwanag kung bakit tayo naging ganito.Ang alam ko lang pareho tayong yumakap sa ibang kaulayaw at sumayaw sa kanilang tugtugin hanggat di natin namamalayan na kinain na pala ikaw at ako ng isang sistemang nakakalason.
Sistemang lumason sa kung anong meron tayo.
Nang bumaha ang iyong luha
Isang kataga ang bumasag sa pagiging bato ko sayo.At yun ay nung sinabi mo na dahil pandemya ngayon, nais ko na makinig ka dahil mayroon tayong SAP.
Anong SAP? Ayuda? Nako malabo yun. Ako'y kumontra ngunit...
Ako'y iyong pinatahimik sa gilid at ako'y niyakap ng mahigpit...
At hinayaan lamang kitang magsalita.
"Nais kong malaman mo na may SAP"
Sa Aking Puso, di nagbago ang pagtingin ko sayo. Sa Aking Puso ano man ang pagsubok na dumating sa atin di kita iniwan.Nabulag ka lang sa paniniwala mo na walang nagmamahal sayo dahil ayaw mong buksan ang iyong mga mata.
Nabulag ka sa mga kaulayaw at inaamin ko na naging biktima din nila ako. Pareho tayong naging bingi sa isa't isa.
Nagkamali tayo, hinanap natin ang depinisyon ng pagiging masaya sa iba at mas masaya kapag marami.
Ngunit, napagtanto ko na nakalimutan natin ang ating pinagsamahan.
Sa Aking Puso, hinding hindi ka mawawala."
Matapos ang mga salitang iyon, naramdaman ko na malamig na ang iyong katawan.
Natigilan ako ng may kumatok sa pintuan at nagtanong
Sino ang kausap mo?
Ang sabi ko ay ikaw
Ngunit yung tao na yun ay nagtaka at sinabi na"Ate, mag isa ka lang naman dyan, ito oh may isang liham para sa iyo."
Kinabahan ako. Anong ibig sabihin nun? Imahinasyon ko lang na nakita ko sya?
Agad kong binuksan ang liham.
At dun ko na napagtanto na nag iisa na nga lang ako ay siya ay matagal ng pumanaw.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Puisi-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.