Alam mo yung minahal ka kahapon
At kinabukasan bigla kang tinapon?Alam mo yung paulit ulit kang umunawa at naawa
Pero sa huli, ikaw ay natagpuan sa basurahan?Alam mo yung ibinigay mo yung nararapat na pagmamahal ngunit di sapat
Kaya iniwan kana lang niya sa tapat.Bakit ba kasi paulit ulit tayong nabubulag sa pagmamahal?
Bakit ba kasi paulit ulit tayong naniniwala na sila ay kakapit?
Bakit ba kasi pilit nating binubuhat ang isang barko na palubog na?
Bakit ba kasi lagi tayong nagiging bayani sa isang relasyon na walang kasiguraduhan?Awit! Awit na Awit!
Alam mo yung pinaka masakit yung nagbigay ka ng chance
Pero they took it for granted in a glance.Alam mo yung pinaka masakit ay yung iniwan ka nang hindi mo alam ang tunay na dahilan.
Para kaming milktea. Siya yung sago ako yung tsaa
Inaasahan naming dalawa na magiging matamis ang takbo ng aming pagsasama.Ngunit, isang araw gumising ako na wala na palang sago at napunta na sa tsaa ng iba.
Sa huli, ang tunay na pinaka masakit ay yung hinayaan natin ang silakbo ng damdamin ang magdesisyon na putulin ang isang meron ikaw at ako sa ere.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.