Sa mundong ito,
May mga bagay na tanging sarili mo lamang ang makakasagot.Sa mundong ito,
Di mo makukuha ang pagtanggap ng mga taoKung wala kang pagpapahalaga sa sarili mo.
Sarili mo na siyang matibay mong sandata at kakampi
Sarili mo na marupok at kalaban.
Katulad ng isang puzzle, ang tao ang hahanap ng paraan upang siya ay mabuo.
Katulad din ng isang metal, ang kalawang ng negatibong ideya ang wawasak sa isang tao o sa sarili niya.
Mahirap, unawain ang emosyon ng sarili.
Para itong may lawa ng saya, ilog ng kalungkutan, at delubyoGanoon man, bilang ikaw
Dapat mong piliin na maging matatag
Dapat mong labanan ang sarili mong kalawang dahil kung hindi,Ikaw mismo ang wawasak sa sarili mo.
Sa huli, tanging sarili lamang natin ang makakasagot sa tanong na:
Sarili: Kakampi o kalaban?
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.