Mas mabuti nang pumanaw nang natuklasan mo
Kaysa mabuhay nang di mo man lang natutuklasan.
Sa mundo, na may dalawang destinasyon: Ang pagkabuhay at pagkamatay.
Ikaw na tao, sa sarili mo ang syang utak sa bawat saya at pighati mo.
Paano mo masasabi na pangit o maganda ang isang bagay kundi mo nasusubukan?
Paano mo masasabi na mahina o malakas ang isang bagay kundi mo nasusubukan?
Dalawang tanong, pero may mensahe na kalakip.
Sa huli, wala kang karapatan na humusga hanggang sarado ang takip.
Sa huli, wala kang karapatan na kumuda hanggang hindi mo nasusubukan.
Bago mo husgahan,
Bago mo tuldukan.
Subukan mo, subukan mo muna na ilagay ang sarili mo sa isang sitwasyon
Subukan mo munang gawin.
Dahil sa huli, sa pagbibigay pasya, ang tanong nang madla ay:
Nasubukan mo na ba?
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.
