P190: Lagi Mong Tatandaan

14 1 1
                                    

Di ko man araw-araw na sinasabi.
Di ko man oras-oras na hinahabi
Yung salita na mahal na mahal kita

Nais kong malaman mo, na ikaw ang tunay na JOY sa buhay ko.
Yung walang tutumbas na isang daang chicken joy sa sayang dulot mo sa aking mundo.

Di ko man araw-araw na ipinapakita
Di ko man oras-oras na ipinipinta sa madla
Yung termino na mahalaga ka

Nais ko lang malaman mo na kaya ako nandito kasi mahalaga ka.
Nais ko lang malaman mo na kaya ako nanatili sayo kasi mahalaga ka.

Di man ako yung tao na mahilig isigaw sa mundo kung gaano kita kamahal,
Sigurado naman ako na sa puso ko, ikaw ang tunay kong mahal.

Kaya lagi mong tatandaan, na sa likod ng aking malamig na imahe sa madla ay may isang mensahe na sayo ay nais kong iparating...

At yun ay ang  katotohanang mahal kita at mahalaga ka.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now