P130: Tara KAPE!!!

23 1 1
                                    

Ang sarap gumising sa umaga
At humigop ng isang tasang kape
Yung bumabangon ka kasi may dahilan kung bakit.

Simple lang naman ang buhay
Naging kumplikado lang ng
Dumami ang mga kulay.

Batid kong mundo'y matamlay
At magiging walang saysay
Kung mayroon lamang dalawang kulay sa mundo.

Di ko alam kung paano at bakit
Pero nang ikaw ay pumasok sa aking mundo

Ako'y nagkaroon ng dahilan para bumagon sa bawat umaga.
Yung dating tamad na ako ay biglang nasaniban ng espiritu ng kasipagan

Yung dating patay na mundo ay muling nabuhay
Panlasa ko'y mahigit dalawampu't tatlong taon ng patay.

Namatay ito noong ako'y nasaktan pero nang dahil sa umaga na ito.
Nagkaroon ako ng KAPE

Kaya KAPE... Kasi...
Kung Ako Pala in the End!
Kung Ako Pala in the End!
Sa tingin ko, dapat talagang uminom ako ng kape araw-araw upang magkaroon ako ng dahilang bumagon sa araw-araw.

Ikaw ay sing ganda ng umaga ang mga ngiti mo ay isang signos ng pag asa.

Signos ng aking muling pagbangon sa bawat araw. Kaya halina't magkape.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now