P197:Comeback

17 1 1
                                        

Sabi nila, kapag tapos na, wala ng part two.
Sabi nila, kapag sarado na ang pintuan, ibig sabihin may bago.
Sabi nila, bakit pa itutuloy kung tapos na, wala nang balikan
At ang pinakamalupet sa lahat, di na daw dapat balikan ang nakaraan.

Karamihan, sa mga kasabihang ito, ay di ko maitatanggi na totoo.
Pero, dapat mo ding malaman na sa bawat ending ay may part two.
Yung tipong, sa muling pagbubukas ng panibagong yugto,
Ay may comeback na papasok, yung comeback na muling bubuo
Sa isang kwento.

Di lahat nang part one, ay hanggang doon na lamang.
Minsan, sa pagbubukas ng panibagong pintuan ay may isang comeback.

Comeback na magaganap,sa dahilan na may isang layunin na dapat matupad.

At yun ay ang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na:

magbago
maipakita ang kanilang kakayahan
makamit ang inaasam na pagtatapos,

Pagtatapos, nang isang magandang pahina
Nang paglalakbay tungo sa sa pagbuo nang mga pangarap
Pangarap, na dapat tupadin at di lamang maiwang nakapinta
Sa alapaap.

Kaya ano, arat, comeback na?!

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now