Sabi nila, bakit daw sa lahat ng tropa ko
Ikaw pa.
Sabi nila, ano daw ang mayroon ka at bakit ikaw pa.Ganito kasi iyon,
Ikaw yung pader sa pundasyon kong babagsak na.
Ikaw yung liriko sa awit na aking binuo
Ikaw ang kumpas na bumabagay sa aking ritmo
Ikaw ang perkpektong imahe sa naipintang litrato.
Ikaw yung diwa, na naniniwala sa akin.
Ikaw yung ilaw na tumatanaw sa aking madilim na paglalakbay.Kung nababasa mo ito, salamat at narito ka.
Nais ko lamang ibahagi na iba ka sa lahat.
Iba ka sa lahat, dahil ikaw ang nagsisilbing kanang kamay ko.Kung dumating man yung araw na tayo'y paghiwalayin ng tadhana.
Nais ko lamang ibahagi sa buong mundo na iba ka sa lahat.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.