P69:Hanggang Saan

15 1 0
                                    

Sa loob ng anim na buwan sa ilalim ng buhay pandemya
Mga kabuhayang winasak ng mababang ekonomiya
Mga hanapbuhay na nawala na dapat sana ay para sa pamilya

Mga pag-asa na naging abo
Ang normal na pamumuhay nang tao
ay nagbago

Ang dating balot na balot ng kasiyahan at kasiglahan
Ay napalitan ng mga masasamang pangitain

Ang mga tuwa na napalitan nang kaba
Ang saya na dulot ng likot
Ay umikot
At napalitan ng pangamba dala ng salot

Salot na pandemya.
Tanong ko kay Juan,
Hanggang saan mo kaya?
Tataya ka pa ba?
Maniniwala ka pa ba?

Hanggang saan mo kayang
tumayo sa ganitong sitwasyon?

Sa panahong magulo,
Sandata na lamang nang sangkautahan
Ay ang panalangin at pananampalataya.

Panalanging pandemya'y lumisan
Sa pamamagitan ng pananampalataya na may katapatan.

Ikaw kamusta? Hanggang saan mo kaya?

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now