P158: Nabulag sa Maling Mundo

12 1 1
                                    

Tatlong taong nakalipas, tumira ako sa ibang mundo
Malayo sa aking pamilya.

Masaya ako sa trabaho ko.
Masaya ako sa aking pagtuturo
Dahil ito naman yung pinangarap ko
At masaya ako dahil natupad ko na ito.

Pero, sa kabila nang saya
Bakit may mga tao sa aking paaralan na hindi masaya?
Yung bawat tamang gagawin ko ay may kaparis na luha?
Yung bawat gagawin ko ay may kaakibat na mali.

Akala ko, ako yung tunay na may mali.
Napagtanto ko sa aking muling pagbabalik na tatlong taon pala akong nabulag sa maling mundo.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now