Naalala ko yung araw na naniwala ako na walang lokohan.
Yung pangako mo na di mo ko bibitawan.Pag gising ko, doon ko napagtanto na ang relasyon na mayroon tayo ay isang bulaan.
Binalot ng samu't saring pulaan.
Walang letra ang mananalo sa malatulaang pagwawakas ng isang tayo.
Pumatak ang Abril,
Isang linggo, bago ako magkaarawan
Nang bigla kang bumangon sa ataul ng nakaraan.Sabi mo
"bakit di kana umiimik"
"bumitaw ka na din ba?"
"alam ko kasi ako ang unang nanlamig, bakit nanlamig ka na din"Tulad mo, ako ay napagod na.
Napagod nang maghabi ng banig ng tiwala
Napagod nang umasa na maisasalba ko pa ang mayroon "tayo"
Napagod na akong magpaliwanag ng mga sinasambit ng aking puso.Bakit ka bumangon?
Bakit mo ko muling nilingon?Sagot niya
"Nais ko lang malaman mo na bumitaw man ako sa mayroon "tayo"
Nandito ako upang ibahagi na di kita iniwan bilang tao."
"Iniwan ko yung nakakasakal na "tayo" at di ikaw bilang isang tao."
"Ikaw ang kayamanan ko, ang kapara kong tunay sa gitna ng masaklap na pagwawakas ng isang "tayo."Ang mga dagat ay umagos sa aking mga mata.
Sa aking muling pagtitiwala,
Nais ko lang malaman mo na,
Di ko man maibabalik yung samahang kinain ng sistema.
Ako'y mananatili ding tunay na kapara sa iyo.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.