P157: Hindi Susuko

11 1 1
                                    

Maraming rason, kung tutuusin.
Para sumuko ako:
Nariyan yung: pagkadismaya, pagluha, at samu't saring kalungkutan.

Nariyan yung: mga paghihirap at sakripisyo na nauuwi lang sa isang bula.
Pero, hindi pa ako sumusuko.
Pero, hindi pa ako humihinto.

Dahil mas may malaking rason, para lumaban

At yun ay ang mga bata, yung mga bata na ibinigay sa akin
Para patuloy na lumaban.

Kahit may isang daang rason
Para ako ay sumuko
Kailanman ay hindi ko gagawin.

Dahil ang mas malaking kalaban na dapat kong malampasan
At nang mga bata ay ang pagsubok sa edukasyon

Sa gitna ng pandemya sa buong mundo.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now