P68: Kislap

16 1 0
                                    

Ang aking mga mata'y nakatanaw sa kalangitan,
Kalangitan, kung saan may mga bituin.
Sa dinami-daming bituin. May isa lamang na bituin na kumikislap sa aking mundo.

Yung bituin na masasabi kong ikaw,
Ikaw ang bituing nagniningning sa aking mundo.

Sa lahat ng aking mga kapara,
Ikaw ang bituing kumikislap kislap
Yung di man tayo araw-araw mag usap
Pero, alam kong nandiyan ka lang sa tabi.

Sa puntong ito, nais kong isulat sa kalangitan ang isang salamat.
Salamat sa Alamat ng pagiging mabuting kapara.

Salamat sa pagiging gabay
Salamat sa pag kislap
Salamat sa pagiging nasa tabi ko

Ikaw na ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa maykapal na lumikha.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now