Di ako si Ana na malikhaing magpahayag.
Di ako si Bellisima na lantarang
magpahayag.
Di ako si Criselda na mahusay makipagbalagtasan
Di ko si Daria na magaling sa pagtataloAko, ito, si Eva ang kapara mong nanahimik sa gitna ng kalawakan at hardin.
Habang nakatanaw sa mga nilkha nang maykapal.Yelo ang bansag nila sa akin.
Dahil sa sobrang lamig.
Walang kumot ang makakapag painit.Yelo ako, wala akong mainit na ekspresyon.
Pero nais ko lamang na malaman mo
Na nandito lamang ako.Kung kailangan mo ng kamay ng isang kapara.
Kung kailangan mo ng gabay ng isang kapara.
Di man ako si Ana, Bellisima, Criselda, at Daria.
Isa lang ang masasabi ko, ako eto si Eba.
Ang kapara mong tunay sa gitna ng kalawakan at hardin.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.