Maraming nagagalit sa mga taong umaalis nang biglaan.
Sa isang banda,
naisip mo ba ang dahilan
sa likod nang kanyang tuluyang paglisan?Wala kang alam! Dahil isa kang bulaan!
Heto makinig ka,
hindi siya aalis kung siya ay inalagaan
hindi siya aalis kung siya ay pinahalagahan.Dalawang salita: inalagaan at pinahalagahan
Kaydaling sabihin at akala mo na madaling gawin
Kaso ikaw mismo, di mo nagawa ng tuluyanOh siya, ngayon mo sabihin, dapat ba na magalit ka sa taong umalis ng biglaan?
Hindi siya aalis, kung hindi mo PINABAYAAN.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.