Naalala, ko yung pangako mo.
Sabi mo, hindi mo ko bibitawan.
Pero katulad ng bawat kaibigan
Dumating sa punto na ikaw yung nang iwan.Di kita masisisi, maaaring napagod kana sa akin.
Di kita pinigilan, kasi kung totoo kang kaibigan ay di mo ko iiwan.Pero, pinili mong mang iwan.
Sa puntong iyon, di kita pinigilanBakit kita pipigilan, kung ikaw ang nag desisyon na yakapin ang pintuan ng katapusan?
Sa ating muling pagkikita, kung loloobin ng Panginoon,
nawa'y manatili tayong magandang kuwento ng kahapon sa bawat isa.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.