Naalala ko yung tatlong taon na lumipas.
Mga araw na tila kumupas.Inaamin ko, may mga bagay na di ko napansin.
Inaamin ko, may mga bagay na sadyang napagdaanan.Sa pagdaan ng panahon.
Di ko namamalayan, na may nag iisang ikaw sa aking tabi.Nang sumapit ang gabi, doon ko nakita kung anong halaga mo sa akin.
Tinulak kita papalayo sa aking mundo
Tinanong kita, bakit di mo pa ako iwan?Sagot mo "para kang ewan"
Di kita "iiwan"
Dahil bilang isang kapara, ako'y nandito para sa iyo.Yung araw na iyon, dun ako naniwala na may mas hihigit pa sa dati.
Sa dating ikaw, at dating ako.
Yung dating ikaw at ako na malabnaw
Ay naging abot tanaw.Yung dating ikaw at ako na walang linaw ay muling naging malinaw.
Yung dating ikaw at ako na nag aagaw buhay sa pagitan ng pagpapatuloy o pagbitaw
Ay may kasagutang lumitaw
At malinaw na nakasulat sa balat ng lupang sinisinta na di ka nakalimot.Bagamat ako'y nakakayamot
Tinanggap mo pa din ako ng walang ka kunot kunot sa noo.Dahil diyan, eto yung araw na syang saksi na mas may hihigit pa pala sa dating ikaw at ako.
Pangakong sinumpaang di ka bibitawan,
Pangakong di man makita sa mga salita ay nakaukit naman sa kilos
nang bawat isa.Dahil mas may hihigit pa sa dating ikaw at ako.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.