Isang taon akong namuhay mag isa.
Di ako naniniwala sa ideya na may mga pagpapahalaga pa sa akin.
Sabagay, ako lang naman to
Bakit nga ba hahanapin?
Wala namang may pakialam sa akin, kahit noon.
Hanggang sa mapapad ako sa isang lugar, kung saan ko
Natagpuan yung dahilan,
Dahilan kung bakit kailangan kong bumangon.
Ipinagkaloob sa akin yung pagiging pangalawang magulang sa mga bata na nangangailangan ng gabay.
Natagpuan ko sila sa gitna ng lawa ng kawalan at pighati
Kaya tuluyan ko silang kinupkop at tinuring na akin.
Hanggang sa isa sa mga anak ko ang binato ako ng isang tanong
Tanong na yumanig sa aking mundo.
"Ikaw pa din ba?"
Sagot ko "hindi."
Sagot nya
"Bakit Mo Pa Kami Hinanap kung iiwan mo din kami sa huli?"
Isang tanong, na sinubukan kong takasan
Isang tanong, na nakapagpakonsensiya sa akin.
Isang tanong, na paulit ulit akong minumulto gabi-gabi
Kaya sa huli, di ko na maitatanggi
Na hindi ko bibitawan.
Sabi ng iba: Bakit di mo binitawan?
Sagot ko: Kasi mahal ko, at kapag mahal ko hinding hindi ko binibitawan.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.
