Maraming nagtataka,
Sa kabila nang lahat ay bihira akong magalit.Sabi nang iba,
Maaaring galing ako sa mabuting pamilya
Maaaring galing ito sa aming kultura
Maaaring ipinanganak na ako na ganito
Maaaring may parte din dito ay mga magagandang asal na ibinagi sa akin ng aking mga guro.May punto, pero... sa totoo lang, natutuhan kong maging mabuting tao dahil sa pait at sakit na ipinaramdam ng mumdo
Yung pait at sakit na:
Paulit ulit kang iniiwan ng mga tao na mahal mo.
Paulit ulit kang husgahan ng mga tao na dapat tinuturuan ka.
Paulit ulit kang saktan ng mga tao na dapat tanggap ka.
Paulit ulit kang paasahin sa mga pangakong napapako.
Paulit ulit kang paiyakin ng mga tao na kala mo ay totoo.
Paulit ulit kang maliitin ng mga tao sa paligid mo.Lahat nang ito ay tiniis ko at hindi ako nagalit sa mga tao na iyon
Kasi para saan? Pag nagalit ba ako, mawawala ba lahat ng sakit na ginawa nila?Dito ko natutuhan na mas makinig at mas maging mabuting tao
Dahil ayaw kong maramdaman nang mga taong makikilala ko ang sakit na naranasan ko.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.