P200: Awts! Mapanakit Bakit?

17 1 2
                                    

Sabi nila, mapanakit ako?
Ako ba talaga o ikaw? O kayo? O yung mundo?

Unahin muna natin yung ikaw.
Ikaw yung nangako, na napako,
Ikaw yung nangakong di mang iiwan pero nang iwan.
Ikaw yung pinuno at pinaasa ako sa mga matatamis mong mga salita
Ikaw yung nangakong di daw maglalaho, pero naging isang bula.

Sarap noh? Well...

Pangalawa naman yung kayo.
Kayo na mapanghusga,
Kayo na walang magawa kundi kumuda
Kayo na panay paninisi
Kayo na mga kritiko,
Yung dumurog sa aking pagiging buo, ayun DUROG!

MAS MASARAP EBARG...

Pangatlo yung mundo.
Sa sobrang daming Adan at Eba sa mundo
Sa kasamaang palad sa maling kamay ako napunta
Sa mga maling tao ako napasama
Sa mga maling kaibigan ako ay nagtiwala
Sa mga maling pag-ibig ako ay nagpaniwala,
Kaya naman sa huli, AYUN ISANG MALAKING PIGHATI.
ANG SUMALUBONG GANDA NOH?

Ngayon, ako ba yung mapanakit? Ako ba? Ako ba talaga?
O baka ikaw? O  kayo? O yung mundo?

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now