Saan ba mas safe? Sa loob o sa labas?
Tanong nang bayan na may malinaw na sagot.
Pero paulit ulit pa ding tinatanong.Sa totoo lang choice mo kung trip mo sa loob o sa labas.
Sa totoo lang choice mo kasi kung sino yung mga tao na papapasukin mo sa loob ng buhay mo.
Sa totoo lang din nasa kamay mo ang sagot kung patuloy mong yayakapin sa loob ng buhay mo yung tao na pinapahalagahan mo.
Nasa loob din ng buhay mo ang sagot kung dapat mo ba siya panatilihin sa loob ng buhay mo o hindi na.Sa isang banda, may mga bagay na dapat mong itapon sa labas
Yung mga bagay na alam mong dapat palabasin mo na sa buhay mo.Katulad nang: toxic na relasyon, kaulayaw, kapara, at kaibigan.
Pero sa totoo lang sa huli nasa iyo ang tunay na pagpapasiya.
Kung trip mo na panatilihin sila sa loob ng buhay mo
O napapanahon na para sila'y tuldukan at ilabas sa buhay mo.
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.