P131: Kalsada

17 1 1
                                    

Ako'y nasa kalsada
Maraming tanong ang aking nasa isip katulad nang:

Kakayanin ko pa ba?
Hanggang saan ko kakayanin?

Nandito nako sa aking pangarap
Ngunit lahat ng bagay ay bago sa aking sistema.

Di ko alam kung ang ginagawa ko ba ay tama.
Di ko alam kung ako ba ay nasa tamang direksyon o kawalan.

Ibang ibang ito sa aking nakagisnan.
Umalis ako sa lugar kung saan ako'y komportable at mas pinili ko ang bisig nang aking mga pangarap para sa isang magandang kinabukasan.

Kalsada'y tanaw na tanaw ko
At ang aking paglalakbay ay isang mahabang destinasyon.

Kakayanin ko ang paglalakbay na ito.
Kakayanin ko at ipaglalaban ko
Dahil bakit ako susuko ngayong nandito na ako sa bisig ng aking mga pangarap?

Bakit ako bibitaw sa isang pangarap na matagal kong hinintay at pinagdasal?

Habang ako'y nasa kalsada.
Isa lang ang masasabi ko.
Kakayanin ko at kakayanin ko.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now