Ako'y naglalakad sa aming hardin nang maisip ko si SAM.
Sa Ating Mundo, may iba't ibang tao.
Mga tao na kung saan ating pinapasok sa ating mundo.
Karamihan sa mga pinapapasok natin sa ating mundo, ay tinatawag nating mga kaibigan o katoto.Katoto? Parang natakot ako.
Natakot ako kasi Sa Ating Mundo.
Maaring ang katoto ko ngayon ay siya na palang, magliligpit sa akin kinabukasan.Katoto? Parang isang katotohan na kaalinsabay ng pagtanggap natin sa kanila ay ang isang katotohanan na maaring bukas siya ay maging isang kalaban.
Sa Ating Mundo, ang pagtitiwala ay isang sugal.
Ang pagyakap sa tinatawag na katoto ay isang konsepto na pwede mong ikabuhay ng matagal
O pwede mong ikamatay ng maaga.Madaming agam-agam sa isip ko, pero masisisi mo ba ako, SAM?
Masisisi mo ba ako na Sa Ating Mundo, ay may mga Juan at Juanang kawangis ni Judas?Gayunman, patuloy pa din akong susugal.
Dahil ang buhay, ay isang Quiapo na binubuo ng iba't ibang mga nananalangin na katulad ko, na may kanya kanya ding dalangin.Hanggang dito na lamang, ito, SAM(Sa Ating Mundo).
![](https://img.wattpad.com/cover/223592364-288-k525728.jpg)
YOU ARE READING
MP LIGHTS 143: BOOK 2
Poetry-This book is a collection of poems, written in traditional and free verse patterns. -This book offers you to enjoy poetry while making a touch in your world through poems.