P67: Si Ria

20 1 0
                                    

Sa lahat nang nakilala ko,
Mayroong natatangi sa puso ko,
Siya ay si Ria.

Natagpuan ko si Ria sa gitna ng pag iisa at kalungkutan.
Inalok niya ako ng isang yakap

Sa yakap na yun, doon ko napagtanto paano muli maging tao.

Yung yakap na muling bumuhay sa aking patay na mundo.

Yung araw na natagpuan ko si Ria,
Yun ang araw na napagtanto ko na may pag asa pa.

Yung may pag asa pa na muling makaahon sa lawa ng kalungkutan at pag-iisa.

Siya ang ngiti, sa aking buhay.
Siya ang nawawalang bahagi ng aking naputol na tulay.

Sa muling pagkabuhay ng aking tulay ng pag-asa
O'Ria, nais ko lamang ibahagi sa buong mundo ang saya
Ang saya na yumakap sa aking pagkatao nang araw na tayo'y nagkakilala.

Kaya naman, sabi ng mga daluyong, ikaw ang natatangi kong Ria.

Natatangi ka sa puso ko, O'Ria.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now