P71: Katapatan

14 2 0
                                    

Sa mundong nakayakap sa damit ng kasinungalingan.

Sa mundong nakahalik sa kamay ng pagtatago sa katotohanan.

Mahirap mahanap yung konsepto ng kumikislap na katapatan.

Bakit mahirap?

Mahirap kasi ang kasinungaligan ay nababayaran ng kapatawaran.

Mahirap kasi ang kasinungalingan ay nadadaan sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon.

Sa panahong lumilipas,
Sa mga nagpapalit na taon
May lumantad nabang tao
Na nakabelo ng katapatan?

Bagkus, mayroon man pero
Iilan lamang

Dahil ang masa, gumagawa ng sarili niyang tama o mali
Dahil ang masa ay nakaayon sa kung anong nakikita niya sa kanyang kapaligiran.

Ang lahat ay sumasayaw, kaya walang kakanta.
Ang lahat ay nagsisiyesta sa pansitan kaya walang gagawa.

Ang masa ay isang agos
Di na nakakapagtaka kung bakit,

Ang hirap makita ng katapatan
Sa mundong nakayakap sa damit ng kasinungalingan.

Ang katapatan na nailibing na lamang sa mga pangakong muling pagbabago na lagi namang naglalaho.

MP LIGHTS 143: BOOK 2Where stories live. Discover now