Jisoo x V - Prank Call
Jisoo's POV
"Jichu-yah! Lika rito!" tawag ni Lisa sa'kin. Nakapaikot sila sa isang table at may bote pa ng beer na nakalapag. Nagtatawanan pa sila habang palapit ako sa kanila.
Tumaas 'yung kilay ko. "Nag-iinuman kayo? Bawal 'yan dito, ah? Sumbong ko kayo sa principal!" Akmang aalis na sana ako nang hilahin ako paupo ni Jennie sa tabi niya.
"May beer lang, nag-iinuman agad?" tanong ni Chaeyoung.
"Ah, kumakain pala kayo dito, hindi ako na-informed. Sorry," sarkastikong sagot ko.
"Gaga. Hindi ba pwedeng naglalaro lang ng truth or dare?" depensa naman ni Lisa.
"Sa tingin niyo, maniniwala ako sa inyo?" tanong ko at pinameywangan sila. "Neknek niyo."
"It's up to you. Basta, naglalaro lang kami dito. Ayaw mo bang sumali?" tanong ni Jennie. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "This is fun," bulong niya.
"Ano bang laro 'yan?" tanong ko.
"Truth or dare nga. Nubayan. Bingi naman 'to," angal ni Lisa.
"Isa na lang talaga, mababatukan na kita," banta ko sa kanya. Buti naman tumahimik na 'tong madaldal na 'to.
"Spin mo na, Lisa-yah!" pagchi-cheer ni Chaeyoung.
At saktong tumama ulit 'to sa kanya. Napakamot tuloy siya sa ulo niya. "Teka, pwede ba 'to, goize? Ako 'yung magto-truth or dare sa sarili ko?" tanong niya.
Bago pa sumabog 'yung ulo niya, kinuha ko na 'yung bote ng beer at ini-spin ulit. "Gaga. Ako na," sabi ko.
Tumama 'yun kay Jennie at kay Chaeyoung. Napangisi si Chaeyoung sa nakita niya. Mag-pa-plot na siguro ng revenge niya. Napaamin kasi siya ng wala sa oras sa crush niya dahil kay Jennie. Pero, 'di ba dapat masaya sana siya kasi naging sila ng crush niya? Ay, wala palang poreber kaya hindi rin magiging masaya.
Ang bitter ko ba? Slight lang naman.
"Hoy, Jisoo, ikaw na!" sabi ni Jennie sa'kin.
"Ha?" tanong ko. Nang tingnan ko si Lisa, nakangisi na siya ng mala-demonyo sa'kin. Siya pala 'yung magtatanong.
Teka, tapos na si Jennie? Ang bilis naman.
"Strong ka ba?" tanong ni Lisa sa'kin.
"Bakit? Gusto mo ng rambulan?" tanong ko.
"'To naman si Jichu-yah. Masyadong seryoso. Nagtatanong lang, eh," naka-pout na sagot niya sa'kin. "Sagutin mo na lang kasi. Strong ka ba o hindi?"
Hindi ako agad nakasagot. Kilalang-kilala ko na 'to si Lisa. Puro kalokohan ang nasa utak nito. Hindi nga 'to matino kausap, eh. Nagtataka talaga ako kung bakit naging kaibigan ko 'to. Napakatino kong tao, eh.
"Strong 'yan," sagot ni Chaeyoung. "Sa sobrang strong, kayang-kaya niya nga akong ipaglaban." Kumindat siya sa'min at nag-finger heart pa sa'kin.
"Ang landi, Chaeyoung, ha?" saway ni Jennie.
"Truth or dare?" ulit na tanong ni Lisa.
"Dare 'yan," cheer nina Jennie at Chaeyoung.
Bumuntong-hininga na lang ako. Nag-dare na lang ako kesa sa masabihang killjoy. Sure akong pipilitin lang din naman nila akong mag-dare kapag truth 'yung pinili ko. Ba't pa patatagalin kung pareho lang naman 'yung result, 'di ba?
Ngumisi si Lisa pagkatapos niyang marinig 'yun. Nagpa-emergency meeting pa ang gaga ta's silang tatlo lang naman ang nag-uusap. Pinag-uusapan nila kung ano'ng i-de-dare sa'kin. Humarap sila sa'kin pagkatapos at ngumisi ng mala-demonyo.
"Prank call mo jowa mo," nakangising sabi ni Lisa.
"Busy si Taehyung. Iba na lang," sagot ko kaagad. Hindi niya sinabi sa'kin kung ano'ng pinagkakaabalahan niya basta hindi ko na lang inistorbo. Mukha kasing importante, eh.
"Dare nga, 'di ba? Wala kang choice kaya gawin mo na. Isa pa, marami akong nakikitang nagpa-prank call ta's sobrang epic ang kinalabasan," sabi ni Lisa.
"'Wag na nga 'yan. Libre ko na lang kayong cafeteria, tara," aya ko.
"Talaga?" tanong ni Chaeyoung.
"Gaga, Chaeyoung. 'Wag kang marupok," saway ni Lisa.
"Just do it, Jichu-ya, so, we can now proceed," sabi naman ni Jennie.
Tiningnan ko sila at bumuntong-hininga ulit. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at tinaas ang kilay ko. "Oh, ano'ng sasabihin ko sa kanya?"
"Ikaw na bahala mag-isip d'yan. Busy pa 'yung utak ko," nakangising sabi ni Lisa.
"Or, you don't have a brain," dagdag ni Jennie na ikinasimangot niya.
"Ang sakit, ha?"
D-in-ial ko na ang number ni Taehyung. Ilang beses itong nag-ring bago niya sagutin. ["Hello, love? How's school?"] His voice was hoarse. Parang kakagising niya lang. Pero, bakit naman siya matutulog? Malapit na magtanghalian, ah?
"Okay lang naman. Teka, hindi ka ba pumasok?" tanong ko. "Kaya pala hindi kita nakita ngayong araw."
["Uhm, about that..."] Natahimik siya saglit pero tumawa siya ng mahina. He's trying to break the ice between us. ["Ba't ka pala napatawag? Is something wrong?"] panglilihis niya ng topic.
Napatingin ako kina Lisa. Their faces are encouraging me to do the dare, except for Jennie whose looking expressionless as usual.
"L-love... kasi..." panimula ko.
Nakita ko kung pa'no magpigil ng tawa si Lisa sa sinabi ko. Lagot 'to sa'kin mamaya 'pag nag-away kami ni Taehyung dahil sa lecheng dare na 'to.
["Why? Is something wrong? Gusto mo bang puntahan kita d'yan?"] tanong niya.
"I've done something wrong. Very wrong." Napapikit ako ng mariin habang naghihintay sa sagot niya, pero tahimik lang siya. Parang nakikinig lang sa mga sasabihin ko.
"I kissed someone, I'm sorry," sabi ko habang humihikbi pa para paniwalain siya.
["It's okay. I know you didn't mean it,"] sagot niya sa'kin.
Lumaki ang ngiti ko. This is getting interesting. Naiimagine ko tuloy 'yung lukot na mukha niya ngayon. "What if I did?" sagot ko pa.
Napatahimik siya.
["And...? What do you want?"]
Nilingon ko si Lisa. She was encouraging me to say more. Kapag kami talaga nag-away, papatayin ko 'tong gagang 'to.
Napapikit ako at sinambit ang phrase na pinakaayaw ko sa lahat. "Let's just break up."
["Why? Do you love him more than me?"] tanong niya.
Hindi ako sumagot, pero natatawa ako. Shet. Ano ba 'to.
Bago ko pa masabing prank lang lahat, natigilan ako nang marinig kong umiyak siya sa kabilang line. Nakokonsensya tuloy ako. Lagot talaga 'to si Lisa sa'kin.
["Why now, Jisoo? Mas kailangan kita ngayon,"] humihikbing sabi niya. ["Sa'yo lang ako kumukuha ng lakas, but after hearing you saying that, I guess it's better this way. Iiwan lang din naman kita, eh."]
"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.
["I have a stage 2 cancer. I'm sorry, I didn't told you earlier, Jisoo. Ayoko lang talagang iwan mo 'ko."]
Suddenly, I can clearly hear my heart crushing into pieces.
BINABASA MO ANG
Black Bangtan Fan Fictions
FanfictionTaesoo, Yoonnie, Liskook, and Jirose fanfics, but this is mostly Vsoo.