24

69 5 7
                                    

Jisoo x V - Torpe

V's POV

"𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘪𝘩𝘪𝘴? 𝘚𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢..."

Napatingin ako sa taong nagkukumpulan du'n at napangiti ng mapait. Si Jisoo. Dinudumog na naman ng mga manliligaw niya. Ang babaeng walang ginagamit na make-up o ano pang mga pampaganda d'yan kaya kina-iinggitan siya ng mga kababaihan. Marami kasing na-a-attract sa simpleng kagandahan niya. Kasama na ako du'n, pero 'di ko na binalak na manligaw. Natatakot ako. Hindi sa rejection pero sa consequences 'pag nalaman niyang may gusto ako sa kanya.

"𝘓𝘢𝘨𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘵'𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰'𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢...
𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘳𝘰𝘴𝘢𝘴 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘴𝘢'𝘺𝘰?"

Bestfriend niya kasi ako. Bestfriend lang niya ako. Masakit kapag pinapamukha niya sa'kin na hinding-hindi niya talaga ako magugustuhan. Pero ano namang gagawin ko? Alangan namang pilitin ko siyang magustuhan ako 'di ba?

Sinulyapan ko ulit ang pwesto nila kanina. Wala nang nagkukumpulan. Pero si Jisoo, andito siya sa harap ko. Marami siyang bitbit na rosas, chocolates, at teddy bears.

"𝘜𝘶𝘱𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘢𝘢𝘸𝘪𝘵...
𝘔𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯.
𝘏𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘯𝘥𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘢'𝘺𝘰-" Napahinto ako sa pagstrum ng guitar ko. Umayos ako ng upo at tiningala siya. Pinameywangan naman niya ako.

"Oh, ano? Nag-e-emo ka na naman? Malapit na kaya tayong ma-late sa second subject." Hinila niya ako patayo kahit na nahihirapan siya dahil sa mga dala niya. Sinukbit ko ang gitara sa likuran ko. Napailing na lang ako at inagaw sa kanya ang mga bitbit niyang teddy bears.

"Hatian mo ako d'yan sa mga chocolates mo, ah!" sabi ko habang papunta kami sa locker room. Tumawa na lang siya ng malakas.

"Opo. Hating-kapatid. Baka magtampo ka pa." Ginulo ko na lang ang buhok niya at naunang maglakad. Na-i-imagine ko na naman ang nakabusangot niyang mukha.

"Bestfriend ba talaga kita?!" inis na sambit niya at pabiro akong sinuntok sa balikat. Natigilan ako nang itanong niya sa'kin 'yun. Wow. Ang galing niya talagang manakit ng damdamin ko. Napahinto rin siya at nagtatakang tiningnan ako.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya.

"A-ah, wala. May nakalimutan lang akong kunin kay Jimin."

Kinuha niya ang bitbit ko, "Kunin mo na. Ako na lang ang maglalagay nito sa locker ko," sambit niya at naglakad na. Ako naman, dahan-dahang tumango. Wala naman talaga akong nakalimutan, eh. Gusto ko lang namnamin ang sakit.

Dumiretso ako sa men's cr. Hay. Pagkalipas ng ilang sandali ay may pumasok mga lalake ding pumasok. Nagtatawanan sila.

"Hay. Napaka-hard to get talaga ng Jisoo na 'yan. Biruin mo? Ilang buwan na akong nanliligaw, di pa rin ako sinasagot. Sa gwapo kong 'to," rinig kong sabi ng isang lalake. Nagtawanan sila.

Gusto ko sanang sumilip at tingnan ang mga mukha nila pero 'di ko magawa. Di ko alam kung bakit.

"Alam mo, Jinyoung? Bakit 'di mo na lang siya i-seduce? Bibigay rin ang babaeng 'yun."

Jinyoung? Park Jinyoung?

"Magandang idea. Hahaha. Masubukan nga..."

"Bakit ba gustong-gusto mong makuha si Jisoo?"

"Trophy girlfriend, 'tol. Hahaha."

Biglang nag-igting ang panga ko nang marinig ko 'yun. Trophy girlfriend?! Punyemas niya. Baka gusto niyang ipakain ko sa kanya 'tong kamao ko. Umalis na sila kaya lumabas ako ng cubicle.

'Di na ako nag-abalang puntahan si Jisoo sa locker room. Paniguradong andu'n na 'yun sa classroom. Mainipin kasi 'yun, eh. At tama ako, andito nga siya sa room. Kaso, may bad news din para sa'kin.

"Mr. Kim! Why are you late?" striktong tanong ni Ma'am. Napalunok tuloy ako ng laway.

"Ah, kasi... sumama po 'yung tiyan ko kaya pumunta muna ako ng c.r."

Hindi na nagtanong si Ma'am at pinaupo ako agad sa seat ko. Si Jisoo, ang sama ng tingin sa'kin. Kanina ko pa binubulungan pero hindi sumasagot. Break time na. Aayain ko na sana siyang mag-recess pero naunahan ako ni Jinyoung. Ang kapal ng mukha ng tarantadong 'to.

"Hey, Jisoo. Pwede ba akong sumabay sa'yo mag-recess? Libre kita, gusto mo?"

"Jisoo, may usapan ta-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pumayag siya. At naiwan na naman akong mag-isa. Ulit.

Napaupo na lang ako sa upuan ko. Wala na akong ganang mag-recess. Bakit kaya beast mode ngayon si Jisoo? Nalaman niya kayang nagsinungaling ako sa kanya? Hmm. Panigurado. Pinapalaki pa naman ng babaeng 'yun ang mga maliliit na issues. Hay naku.

Lumipas ang ilang araw, naging mas close na sila ngayon ni Jinyoung at nawawalan na kami ng time dalawa. Ewan ko kung ano'ng nangyari. Parang iwas na iwas siya sa'kin.

"Jisoo, iwasan mo si Jinyoung, please. Pinaglalaruan ka lang niya!" Tinaasan niya ako ng kilay at pinameywangan.

"Sinisiraan mo ba siya sa'kin? Pwes, kung ganu'n nga, wa epek lang 'yun sa'kin. Alam kong hindi siya gano'n," pagtatanggol niya at iniwan ako. Bumuntong-hininga ako at tiningnan siya na naglalakad papalayo sa'kin.

"Jisoo!" Hinabol ko siya at hinablot ang braso niya. "Let's talk." Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Seryoso ako sa sinabi ko. Narinig ko siya at ang mga barkada niya na nag-uusap tungkol sa'yo."

Bumuntong-hininga siya. "Taehyung... may gusto ka ba sa'kin?" tanong niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makasagot kahit gustong-gusto kong sabihin na may gusto nga ako sa kanya. Parang may nakaharang sa lalamunan ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas at binasag niya ang katahimikan.

"Alam ko. Nararamdaman ko 'yun. Hindi naman ako manhid para hindi malamang nagkakagusto na sa'kin ang bestfriend ko. Hinihintay ko lang na umamin ka sa'kin." Tiningnan niya ako sa mata. Padabog niyang binigay sa'kin ang isang notebook.

Teka. Diary ko 'to, ah?

"Gusto din kita, Taehyung. Pero kung 'yang ka-torpehan ang pinapairal mo, wala ring mangyayari," sambit niya at tinalikuran ako palayo.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon