5

151 8 3
                                    

Jennie x Suga - That Gangster

Jennie's POV

"He's hereee!" sigawan ng mga kapwa ko estudyante.

Napairap na lang ako sa narinig. Ba't ba bigdeal sa kanila kung andito 'yang gangster na 'yan?! Duh. Tao lang naman din 'yan at namamatay. Dapat bang katakutan ang kumag na 'yan?

Andito ako ngayon sa canteen at kumakain mag-isa. Late na nga ako kaya hindi na ako pumasok. Mamaya na lang sa 2nd subject. Nakakatamad pa. Tsk.

"Oy, Jennie Kim! Andito ka pala!" Inakbayan ako ng walangya.

Napairap ulit ako at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa'kin. Bakit ba 'to andito? Hindi naman 'to kumakain dito sa canteen, eh. Gusto lang siguro akong inisin ng gunggong. At talagang pumasok pa talaga siya sa school, ah? Puro cutting lang naman ang ginagawa niya. Tsk. Hindi nga 'yan pumasok nu'ng mga nakaraang araw, eh.

Napatawa siya sa ginawa ko. Ginulo niya ang buhok ko. "Ang suplada mo, Kim!"

Napatayo ako at inis siyang tinitigan. "Ano ba?!"

"Mukha kang pusa," natatawang puna niya.

"Bakit ka ba andito, ha?! Akala ko ba drop ka na?!" inis na tanong ko. Pero ang walangya, ngumisi lang sa'kin. Grr. Ang sarap niyang batukan, pramis.

"Wala lang. May binabantayan lang. Paki mo ba?" Maangas siyang tumayo at naglakad palayo.

Tsk. Buti naman at umalis na 'yung baliw na 'yun.

Tinapos ko na ang burger at juice bago naglakad papuntang room namin. Sakto, recess na rin kaya hindi ako mapapansin ng teacher ko kung pumasok ba ako o hindi.

Hindi pa man ako nakakapasok sa room namin, naaninag ko na ang tatlo kong kaibigan na parang namo-mroblema. Una akong nakita ni Jisoo. Kaagad niya akong sinalubong at hinila papunta sa likuran ng building namin. Sumunod sina Rosé at Lisa.

"'Wag ka munang pumasok ngayon, Jennie, please," pakiusap ni Jisoo sa'kin. Kumunot tuloy ang noo ko.

Hindi pwede. May quiz daw si Sir Hwang mamaya. Strikto pa naman 'yun. Baka ibagsak ako agad.

"Bakit?" tanong ko.

"Basta. Sumunod ka na lang," sabi naman ni Lisa habang nakayuko.

"Bakit nga?"

"Jennie naman. 'Di mo nga pwedeng malaman. Please, umuwi ka muna. Rosé, ihatid mo muna siya sa gate. Sabihin mo sa guard na masakit 'yung puson niya," utos ni Jisoo.

Habang papalayo kami, nilingon ko ulit si Jisoo at nakita kong tumulo ang luha niya. Ano ba talagang nangyayari?!

Bigla akong kumaliwa at tumakbo papuntang room namin. Hinabol pa ako ni Rosé pero hindi niya pa rin ako napigilan. Mabilis akong pumasok sa room namin at tumambad sa'kin ang grupo nina Tzuyu na nagtatawanan. Parang may pinapanood silang video.

Naabutan ako ni Rosé at hinawakan ang braso ko. Hinawi ko ang kamay niya at pinuntahan sina Tzuyu. Kinuha ko ang cellphone.

"Well, well, well. Nandito na pala si Jennie Kim a.k.a the classy hitad," sambit ni Sana sabay tingin sa'kin mula ulo hanggang paa.

Inirapan ko siya sabay tingin sa cellphone. A-ako at si Kai... n-naghahalikan? T-teka. Hindi ako 'to. Kahit kelan hindi ako pumatol sa putanginang gago na 'yun.

Nabitawan ko ang cellphone at feeling ko, nanghina ang tuhod ko. Napasalampak na lang ako sa sahig.

"Wow. Ang gandang acting niyan, Jennie. Sigurado, panalo ka na d'yan sa Oscar's," sabi naman ni Momo. Nagtawanan ang tatlo.

"Jennie!" rinig kong sigaw ni Jisoo. "Bakit siya andito, Rosé? 'Di ba inutusan kitang ihatid siya sa gate?" pagalit na sigaw niya.

Hindi nakasagot si Rosé.

"Oh, ano? Sinabi kasing 'wag kaming tarayan, eh. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo," mahinhin na sabi ni Tzuyu.

"Tangina mo," naiiyak na sabi ko.

"Omg. Kawawa naman 'tong pusa na'tin, umiiyak na-" Hindi natuloy ang pinagsasabi ni Sana nang mabasag ang glass window ng room namin.

Nakita namin si Yoongi na nakatalikod sa'min pero kitang-kita namin ang pagtulo ng dugo mula sa kamay niya. Natahimik kaming lahat.

"Kayong tatlo... baka gusto niyong matulad dito?" tanong niya habang nakatalikod pa rin. Dahan-dahan siyang humarap at nginisihan sina Tzuyu.

Naglakad siya palapit sa'min habang uma-atras naman ang tatlo.

"I've already warn you, didn't I? I. Said. Don't. Make. My. Cat. Cry." May diin sa lahat ng salitang pinagsasabi niya. "At nagpakalat pa kayo ng putanginang video. Buti sana kung mukha ko 'yung nand'yan." Sarkastiko siyang tumawa.

"I give you 24 hours to delete that video on the internet and..." Ngumisi siya at tumingala na parang nag-iisip.
"I want you to shame your ownselves. Tomorrow, come here at the school, naked. If you don't? You already know what will happen next."

Napalunok ang tatlo at paulit-ulit na nagsorry kay Yoongi.

"Hindi ako ang dapat niyong pagsabihan ng ganyan."

Umiiyak na sina Sana habang nag-so-sorry sa'kin pero 'di ko sila pinansin. Sinundan ko si Yoongi na papaalis na ng room namin. "Sandali," sabi ko.

Huminto siya at hinarap ako.

"B-bakit mo 'yun ginawa?" tanong ko.

Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. "I told you, may binabantayan ako. And I'm just protecting my queen." Kumindat siya sa'kin bago tumalikod.

@waves🌊

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon