26

48 4 0
                                    

Jisoo x V - Last Dance

Jisoo's POV

Nanlalamig ang mga kamay ko habang paulit-ulit na sinisilip ang nasa loob ng venue. Nakalinya kaming lahat na sa estudyante sa Grade 10 habang inaantay ang pagtawag sa mga apilyedo namin sa grand entrance. Sinulyapan ko ang lalaking tumatawa kasama ang mga kaibigan niya.

Si Taehyung, ang crush ko. Sayang nga lang at hindi siya ang partner ko. Escort kasi siya dahil sa sobrang gwapo at bait niya. Ako? Mabait lang pero hindi maganda. Kumbaga, sa mga fairy tale stories, prinsipe siya at ako naman ang taga-linis ng sapatos niya. Iba kasi ang prinsesa niya. At sigurado akong hindi ako 'yun. Hindi naman kasi ako maganda, hindi talented, at hindi pa matalino—tama na. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko.

"Hey, Jisoo! Natatapakan mo na ang dress ko!"

"A-ahh, ehh, sorry." Mabilis kong pinunasan ang part ng damit niya na nadumihan ko. Pero, pinatigil niya rin ako agad.

"Ngina. Kinakabahan ako, Jisoo." Napalingon ako sa likuran ko. Si Park Chaeyoung pala. Ngumiti lang ako. Hindi naman talaga siya ang dapat kabahan. Ako dapat 'yun. Mas maganda pa siya sa'kin, at magara din 'yung dress niya. 'Yung sa'kin naman, binili lang sa ukayan ni Mama.

"Lady Choi is with Lord Lee."

Kumakabog ang dibdib ko. Ako na ang kasunod. "Lady Kim is with..." Wala. Hindi pala sumulpot ang partner ko. Dobleng hiya. Pinalakad na ako ng event organizer at nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad sa red carpet papunta sa dulo nang may humila ng kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan kung sino ito.

Parang nag-slowmotion ang paligid nang makita ko si Taehyung na nakangiti sa'kin. Kinuha niya ang kamay ko at pinakapit ito sa braso niya. Binulungan pa niya ako, "I won't let you feel embarassed."

Nang makarating kami sa dulo ng carpet ay nagbow kami. Hinatid niya muna ako sa table namin bago siya bumalik sa labas. Hindi pa tinatawag ang escorts and muses kaya andu'n pa lang sila sa labas. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang siyang pumasok sa venue para lang ihatid ako.

Kilalang gentleman si Taehyung kaya nagtataka ako, kung ako lang ba ang inihatid niya ng ganu'n.

Tahimik lang ako sa table namin. Silang lahat, nagtatawanan. 'Yung classmates na ka-table ko nga, pinipilit akong i-sama sa usapan nila pero tinatanguan ko lang sila tsaka ngingitian.

I know it's rude. But it's only my way to end an awkward conversation with them. Isa pa, hinahanap ng mga mata ko si Taehyung. Sila kasi ang huling papasok sa venue at talaga namang kaabang-abang ang mga gowns at tuxedos ng mga muse at escorts.

Pagkatapos ng ceremony sa prom, nagkainan na ta's sayawan na ang sunod. Isusubo ko na sana ang pagkain na nasa kutsara ko nang biglang may magsalita sa gilid ko. "Hey, pwede maki-table?" Si Taehyung! Ano'ng ginagawa niya dito?! Du'n dapat siya table ng escorts at mga muse! Hindi naman sa pinapaalis ko siya pero bawal kasi 'tong ginagawa niya.

"Sureee!" sagot ng mga kasama ko sa table. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko. Ito sana 'yung upuan ng ka-partner ko pero hindi naman 'yun sumipot, eh.

Nilingon ko ang paligid. Kaya pala ang lakas ng loob ng Taehyung na 'to. Ganu'n din pala ang ginagawa ng mga seniors na kagaya niya. At hindi man lang sila napapansin ng mga teachers!

Naiilang na tuloy akong kumain. Ang dating kutsara na puno ng pagkain ay nagiging konti na. Grabe kasi 'tong katabi ko makatitig. Nakaka-conscious.

"Bakit?" mahinang tanong ko. 'Yung tipong siya lang ang nakakarinig. Hindi sa kinakahiya ko na nakausap ko siya, natatakot lang ako ng magkaroon ng mga bashers. Kapag kasi may kinausap 'tong si Taehyung na babae, automatic na may bashers agad.

"W-wala. Kain ka lang." Iniwas niya ang tingin niya sa'kin at nagpatuloy sa pagkain.

Alam na namin ang kasunod nito kaya nang tumugtog ang isang love song na kanta ay kanya-kanya sila ng yaya sa mga partner nila. Ako, tamang kain lang ng desserts. Si Taehyung, ayun, bumalik sa table nila. Siguro, aayain niya 'yung muse na ka-partner niya.

Bumuntong-hininga ako. Tama na, Jisoo. Wag mo nang saktan pa ang sarili mo. Tanggapin mo na lang kasi na hanggang magkaibigan lang kayo.

Nagulat ako nang biglang may rosas na dumampi sa pisngi ko. Pagtingin ko, si Taehyung na nakangiti sa'kin. Nakalahad ang dalawang kamay niya. Ang isa ay may hawak na pink rose. Ang isa ay wala lang, nakalahad lang na parang inaaya akong tumayo.

"May I have this dance, Miss Kim?" tanong niya.

"P-pero, pa'no 'yung—?"

"Don't mind her. Mas mahalaga ka kesa sa kanya." Di ko maiwasang kiligin sa sinabi niya. Kinuha ko muna ang rosas sa kamay niya bago tumayo at tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa'kin.

Dinala niya ako sa gitna ng dance floor.
Magsasayaw na sana kami nang biglang tumunog ang phone ko. Nahihiya akong ngumiti kay Taehyung.

Si Jennie pala. Nagtext.

Jennie: Jisoo, we need to talk.

Agad akong nagtype ng reply tsaka in-off ang phone. Makapaghihintay pa naman siguro ang pag-uusap namin, eh. Pero 'yung sayaw na'to... matagal ko nang pinangarap 'to. Na masayaw ng isang Taehyung Kim.

"Ang ganda mo ngayon, Jisoo," papuri niya habang nakatingin ng diretso sa'kin. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya kasi alam kong kasingpula na 'to ng kamatis. Nakakahiya!

"T-thanks. Ikaw rin. I mean, ang gwapo mo ngayon." Natawa siya sa sinabi ko at nagpasalamat. Walang imik kaming nagsasayaw at dinadama ang love song. Hindi pa tapos ang pagsasayaw namin pero inaaya ko na siyang bumalik sa table nang pigilan niya ako.

"I like you, Jisoo. The first time I laid my eyes on you, alam kong gusto na kita."

Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Marami pa siyang pinagsasabi, katulad ng kung pa'no niya ako sinusundan kapag mag-isa lang ako para ma-sure daw niyang safe lang ako. Sasagot na sana ako ng mahal ko din siya nang bigla na lang siyang natigilan.

"Hey, bakit?" tanong ko.

"I already had a girlfriend, Jisoo." Gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. "It's a bummer. Kung sana, inagahan ko lang ng pagporma sa'yo, hindi mangyayari 'to." Mapait siyang ngumiti. "I have no choice. Kailangan kong ligawan ang pinsan mo."

Si Jennie?

"I just need to be with her in her remaining days," dagdag pa niya.

M-may sakit ang pinsan ko?

Nilingon ko ang table nila Jennie at nakita kong nakatingin siya sa'min habang umiiyak din. Kaagad akong bumitiw sa pagkakahawak sa kanya.

"I'm sorry, Taehyung, but I think this is inappropriate."

I saw how his eyes pleaded.

"May girlfriend kang tao tapos sinasayaw mo pa ako. Nanggagago ka ba?" Parang dinurog ng paulit-ulit ang puso ko matapos kong sabihin 'yun.

Hinabol niya ako at hinawakan sa kamay. That caused a scene. Natigil saglit 'yung music pero binalik din agad, afraid to gain more attention. Pero huli na. Nasa amin na ang lahat ng atensyon ng mga attendees ng prom. "Jisoo, please let me savour this moment with you. Just this once, I promise."

Napatingin ako ulit kay Jennie na nag-iwas lang ng tingin sa'kin.

Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Dahan-dahan akong umiling. Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa'kin. Kitang-kita ko kung pa'no bumaba ang balikat niya. As if he lost his hopes. "Sorry, Taehyung, pero hindi ko kayang saktan pa ang pinsan ko."

And then, here I am, watching their last dance na para sa'min dapat. I just smiled curtly. Wala akong karapatan magselos. Kasi sa umpisa pa lang, wala dapat akong role sa love story nila. It's should be him and her only. At dapat ko 'yung tanggapin.

Para wala nang masaktan pa.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon