Jisoo x V - Picture Frame
Jisoo's POV
"JISOO!"
Napahawak ako sa dibdib ko nang sumigaw si Jennie mismo sa mukha ko. Holy cow! Feeling ko, lumabas ng mga split second ang puso ko. Ang lakas pa ng boses ng babaeng 'to. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang tao sa loob ng bus.
"Tulala ka na naman," puna niya.
"Halata nga," sarkastikong sagot ko.
Binatukan niya tuloy ako. "So, as I was saying, pupunta daw tayo sa lugar nina Lolo't Lola bukas! 'Di ka ba excited?" tanong niya habang niyuyugyog ang balikat ko.
"Kumalma ka nga muna d'yan," sabi ko. "At tsaka, ako? Magiging excited? Duhhh. Bakit naman ako magiging excited? Puro bukid lang at kalabaw lang naman ang makikita na'tin du'n. Wala pang wifi!" reklamo ko.
Sinapok niya ulit ako sa ulo.
Aray. Nalalaglag na ang mga brain cells ko sa kaka-batok sa'kin ng babaeng 'to. Tsk. Lima na nga lang ang nagfa-function, mababawasan pa.
"Nature, cous! 'Yun ang makikita na'tin du'n. Can't you let go your gadgets even for a day?" tanong niya sa'kin.
"No. Never."
Napailing na lang siya sa sagot ko. Tumahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa bahay namin. "Well, wala kang magagawa kundi hiwalayan muna ang cellphone mo, bukas." Kinindatan niya ako at naunang pumasok sa bahay namin.
"Jisoo! Gising! Shet, tulog mantika ang isang 'to!" Narinig kong sabi ni Jennie. Umaga na pala? Pero... gusto ko pang matulooog.
"Ayaw mo palang gumising, ah?" nanghahamon niyang tanong. Ang sunod ko lang na naramdaman ang maligamgam na tubig bumuhos sa buong katawan ko.
Napabalikwas ako at masamang tinitigan si Jennie na humahalakhak ngayon. "That's what you get. Mag-ayos ka na nga. Ba-byahe na raw tayo, sabi ni Tita." At lumayas na siya sa kwarto ko.
What the-
Nakasimangot akong bumaba sa sala. Nakita kong nakahanda na silang lahat. Ako na pala ang kulang. "Tara na, hon. Malayo-layo pa ang ba-byahe-in na'tin," sabi ni Mama kay Papa sabay halik sa pisngi.
Napangiwi na lang ako. Eww. Yuck. Ang cheesy.
Halos gumagabi na pero hindi pa rin kami nakakarating. Ang layo talaga ng lugar nina Lola tapos wala pa silang masyadong kapitbahay.
Nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
"𝘑𝘪𝘴𝘰𝘰, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘮𝘰, 𝘩𝘢?"
"𝘖𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯. 𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢."
"𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘪𝘵𝘢."
"𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘥𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢. 𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭."
"Jisoo! Gising na! Jusko naman. Ang hirap mong gisingin!" pagpu-putak ni Jennie. Agad ko nang iminulat ang mga mata ko. Baka mapingot na naman ako nitong babaeng 'to.
Pero, teka. Sino kaya 'yung lalakeng nasa panaginip ko? Medyo blurred ang mukha niya. At 'di ko siya kilala.
"Okay ka lang?" tanong niya sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot.
Lumabas na kami sa mini-van na pagmamay-ari namin. Tumambad agad sa'min ang malaking bahay na medyo luma na. Agad na napangiti si Jennie habang ako ay napasimangot.
Goodbye cellphone for now.
"Hi po, Lola, Lolo! Magandang gabi!" bati naming dalawa ni Jennie sabay mano.
"Kaawaan kayo ng Diyos, mga apo. Ihahatid ko na kayo sa mga kwarto niyo. Siguradong pagod kayo sa biyahe. Mamaya na lang tayo magkwentuhan," sabi ni Lola at iginiya kami papuntang second floor.
Pero napahinto agad ako nang makita ang isang napakalaking picture frame na nakasabit sa dingding. Pangalawang beses ko pa nakabisita dito pero hindi ko napansin ang picture na frame na 'to noon.
Napansin kong napahinto din si Lola at pinauna sina Mama du'n. Nilingon ko siya at nginitian niya naman ako. "Sino po siya, 'La?" tanong ko.
"Siya si Taehyung Kim. Siya ang lolo ng lolo ko. Siya din ang may-ari ng bahay na 'to," pagku-kwento niya.
Tumili ako ng bahagya. "Owemji! Ang gwapo pala ng kanuno-nunu-an na'tin."
Napangiti din siya. "Pero sa kabila ng mala-disenteng larawan na 'yan, may nakatagong istorya."
Owemji. Ang deep naman ni Lola. Buti na lang, gets ko.
"Gusto mo bang malaman?" tanong niya.
Ang rude ko naman kung sabihin kong hindi, 'di ba? Kaya, sumagot na lang ako ng 'oo'.
"May isang mahirap na babaeng nagngangalang Jisoo," panimula niya.
Natigilan ako. "Kapangalan ko, 'ho?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Namasukan siya bilang katulong sa bahay na 'to dati. Maayos naman ang trato sa kanya ng mga magulang ni Taehyung hanggang sa..."
Naman. Pa-suspense si Lola, eh. Hinila pa ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nauhaw daw siya bigla.
"Hanggang sa?" tanong ko.
Tumikhim si Lola bago nilapag ang baso sa mesa. "Hanggang sa nahulog ang loob niya sa anak ng mag-asawang Kim."
"Teka, Lola. One-sided love po ba 'yan? Sabi ko na, eh. Wala talagang forever," sabat ko.
"Hindi. Hindi. Naku, talaga 'tong batang 'to! Patapusin mo kasi ako."
Okay. Sorry naman. Hehehe. Bitter lang.
"Nahulog ang dalawa sa isa't-isa. Masaya na silang dalawa kaso ang humahadlang lang ang mag-asawang Kim na magulang ni Taehyung." Uminom ulit siya ng tubig at tiningnan ako. "Naging mahirap ang pinagdaanan nila dahil sa pag-ibig. Pilit silang pinaghiwalay ng mag-asawa."
"Tapos?" atat na tanong ko.
"Nagpakamatay silang dalawa," simpleng sagot ni Lola. Nanlaki ang mga mata ko.
"Tapos?" ulit ko.
"Tapos, matulog ka na. Bukas na lang kita ku-kwentuhan. In-a-antok na rin ako, eh," sabi ni Lola at iginiya na ako paakyat sa magiging kwarto ko. Naman, eh! Cliff hanger talaga 'tong si Lola, eh!
Naalala ko tuloy 'yung napanaginipan ko kanina sa mini-van. Dahan-dahan nang bumigat ang talukap ng mata ko.
Nagising ako sa ingay ng nasa baba. Umaga na pala. Nag-inat-inat muna ako bago pumunta sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.
Papunta na sana ako ng sala nang madaanan ko ulit ang malaking picture frame ng Lolo Taehyung. Inilapit ko ang kamay ko para sana hawakan nang matigilan ako dahil tumunog ang door bell.
Sino naman kaya 'tong bisita pa ni Lola?
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko nang buksan ko ang pintuan. Owemji. Minumulto ba ako ngayon? Baka naman namamalik-mata lang?
"You're here. We can continue our love story now." Niyakap ako ng lalake. Lalakeng kamukha ni Taehyung Kim.
@waves🌊
BINABASA MO ANG
Black Bangtan Fan Fictions
FanfictionTaesoo, Yoonnie, Liskook, and Jirose fanfics, but this is mostly Vsoo.